CHAPTER 35:ask

322 22 3
                                    

Hindi ako gaanong pinatulog ng mga nangyari kagabi at pagkagising ko ay sakit ng puson ang sumalubong sa akin.At pagminamalas nga talaga ay natagusan pa ang bed sheet ko.Tuloy ay bago ako pumunta ng restaurant ay nilabhan ko muna iyon at isinampay.

Nahuli ako ng isang oras sa pagpasok at nahiya ako ng makita kung gaano sila kabusy.Naghalf-day pa naman ako kahapon dahil sa opening mg resort.

Panay ang pananakit ng puson ko kahit halos mag alas dose na ng tanghali.Tinatakpan ko lamang ang sakit ng pasimpleng pag ngiwi at pagngiti sa mga customers.

Nang maghapon na  ay mas tumindi pa ang sakit kaya maya maya ay napapakapit ako sa lamesang pinupunasan ko.Lintek na cramps to!!
Kahit may iniindang sakit ay pinili kong magpatuloy sa ginagawa.Pabigat ng pabigat ang katawan ko na halos sambitin ko ang iilang santo habang humahakbang ako.Pinapawisan na din ako malamig at panay na din ang pananakit ng ulo ko.

"Kia?"pukaw ni Yamyam sa atensiyon ko nang mapansin niya atang nakayuko at nakakapit sa lamesa.Hindi ko siya nagawang sagutin nang manlambot ang tuhod ko at nanlabo ang paningin ko.Kasunod non ay ang tuluyang pagkawala nang paningin ko.


Pagkagising ko ay nasa sarili na akong kwarto.Kumikirot pa din ang ulo at nananakit pa din ang puson ko pero nagpilit akong umupo mula sa pagkakahiga.Nakita kong alas singko na pala nang tiningnan ko ang cellphone ko.May iilan akong mensaheng natanggap.Hindi ko na nireplyan pa ang mga hindi naman importante at nireplyan sila Diana na nagtatanong kung maayos ba akong nakauwi.Panghuli kong binasa ang iilang magkakasunod sunod na mensahe ni Gino sa akin.Bigla akong nanabik sa hindi malamang dahilan.

Gino:

How was your sleep?

Kumain ka na?

You're not replying me,Kiara.

Hey!

Tss.You're making me worry,woman.

Kiara.

Yan ang mga mensaheng ipinadala niya mula pa kaninang alas kuwatro.

Napangiti ako habang nagtitipa nv reply.

Ako:

Nakatulog ako.Masakit ang puson ko.

Napapikit ulit ako at hinimas ang puson ko.Bakit ba kasi ganito kasakit?!!

Nagvibrate ang cellphone ko at nakita kong si Gino iyon.Ngumingiwi kong binasa ang mensahe at agad na nagtipa ng reply.

Gino:

Woman thing?

Ako:

Yeah.

Bago ko pa man maclick ang exit button ay nakapagreply na agad siya.

Gino:

You okay?May gusto ka bang kainin?We have a alot of fruits in here.Bagong dating ang mga to.Want me to send some?

Napangiti na ako sa huling parte ng mensahe niya.Hindi ko alam pero gustong gusto ko ang Gino ngayon.Ewan ko basta ay iba siya kaysa noon.Nag reply naman ako sa kanya.

Ako:

Ano bang nandyan?

Gusto ko mang tanggihan dahil nahihiya ako ay kinukontra ako ng sariling katawan.Nanubig ang bagang ko nang sinabi niyang maraming prutas ang dumating sa kanila.Naiimagine ko agad ang mapupulang mansanas,ang ubod n tamis na strawberries at ang matatamis ding pinya.Nagmumukha na ata akong buntis nito.

Nang nagreply siya ay agad ko iyon binasa at hindi ako nabigo nang pangalanan niya ang mga iyon at nandoon ang mga binaggit ko.

Ako:
Gusto ko ng apple, strawberries and pineapple please😣😣

The CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon