"Happy Birthday, Wealand!!Nagkita na tayo kanina di mo man lng sinabi."nakangiting bati ko.
Tumawa naman si Wealand at nagpaskil ng nakakalokong ngiti sa akin.
"Eh sa busy ka sa pagluluto eh.Malay ko bang di mo alam at hindi pala sinabi ni Gino sayo.Hmmm...may hindi ba alam?"nanunuksong usal ni Wealand.
Hindi ko alam kung bakit ako bigla akong kinabahan.
"Wla naman kasi akong dapat sabihin eh."tanggi ko pa dito.
"Eh bakit pinagluluto mo si Gino.Magjowa na ba---"
Bago pa man tuluyang makapunta sa kinaroroonan namin si Argel ay tinakpan ko na ang wlang preno na bibig ni Wealand.
Pinanlakihan ko siya ng mata habang humagikhik lamang siya.
"Oy!!anong ginagawa niyo ah!"masiglang puna ni Argel sa ginawang pananakip ko ng bibig ni Wealand.
Binitawan ko naman si Wealand at bahagyang kinurot siya.
"Tumigil ka, Wealand!!kukurutin ukit kita,sige!!!"pagbabanta ko dito at tawa lng ang isinagot niya.
Aba't iba pala kung magbirthday ang lokong to...di mahinto hinto sa pagtawa.Masyadong masaya.
"May inililihim kayo sa akin eh!!kuys!!!"agad namang sinakmal at inipit sa braso nito ang maliit na parteng iyon.
"Aba'y matanda kana talaga!Ilang taon ka na nga?lagpas kalendaryo na ba??"panunukso ni Wealand sa kaibigan na panay naman ang ubo ubo nito.
Nakangiting nakatingin lang ako sa kanilang dalawa...Natutuwa ako sa pagiging malapit nila at parehong makukulit pa..paano ba nila nakilala si Gino na hindi man lng ata alam kung paano magbiro.Agad ay lumipad ang isip ko kay Gino at sa kasama niya.Napatingin ako sa bukana ng front door ng hotel.Nasa labas na kami ngayon at naglilibang habang ang ibang empleyado ay abala na sa landscaping ng resort.kasama ko sina Wealand,Franki at Diana na abala pa sa pakikipag-usap sa kanilang ama at kay Argel na kakarating lang.Nanatili akong nakatingin sa pintuan habang panay naman ang harutan ni Argel at Wealand.Minsan nga ay kinakausap nila ako at tipid ko naman silang sinasagot.Nabuhay ang loob ko nang kinalaunan ay lumabas ang lalaking iniisip ko na malamig ang mga mata at halos wlang nakikita dahil tuloy-tuloy lamang ang lakad papunta sa kinaroroonan namin.Nakaramdam naman ako ng panlalamig nang di man lamang niya ako tinapunan ng tingin.Ngayon ko lang naramdaman ang pagkakaout of place.Ngayon ko lng narealized na dapat hindi ako nandito.
Pero ang mga iniisip ko ay tila nawala lahat ng tumabi siya sa akin at humalukipkip.
Nalilitong nakatingin naman ako sa kanya.Napalingon naman siya akin at tumitig din.
"Come with me.May pupuntahan tayo."sabi niya at bago paman ako makapagreact ay kinuha na niya ang kamay.Napaawang ang labi ko sa gulat at sa kuryenteng naramdaman ko galing sa mga kamay niya.
Lahat ata kami ay nagulat sa ginawa niya at hindi man lang nagawang makapagsalita ng isa sa amin.
Papalabas na kami ng mahanap ko ang dila ko.
"T-teka Gino,saan tayo pupunta?"nalilitong tanong ko.
Pagkarating namin sa sasakyan niya ay binitawan niya ang kamay ko at pinagbuksan ako ng passenger's seat.
"Get in.Mamimili tayo ng pagkain para mamaya."tanging sabi niya.
Tumango ako at sinunod ang sinabi niya.
Higit tatlompung minuto ang byinahe namin bago kami makarating sa public market.
Nauna akong lumabas at hinintay siyang matapos sa pagpark ng sasakyan niya na masyadong nakakaagaw ng atensiyon dahil sa kintab at modelo.
BINABASA MO ANG
The CEO's Obsession
RomanceGino Aldeguer Roque IV,a young businessman who sees everything as a competition happened to be competing for the attention of his Father who never been proud of the achievements he had.Ito ang naging dahilan para maging isang mahigpit at striktong b...