Kiara's POV
"Ayos na ba ang ibang pagkain?"tanong habang inaayos ang mga pagkain sa lamesa.
Hindi ko alam na ganito kahirap ang paghahanda ng isang party sa ganito kaliit na panahon.Dapat ay sa Manila ito gaganapin pero nagbago ito nang maisip ni Hiro na sa La Union nalng gaganapin ito para hindi na rin mahirap kila ate.Tatlo lng naman kaming uuwi habang sila ay marami kung luluwas pa sila.
"Oo kia.Luto na ang iba.Dadalhin na ba namin dito?"tanong ni Jamie sa akin.Nakangiti ko naman siyang binalingan.
"Please."sabi ko dito.Agad naman siyang tumalima at kinuha ang pagkain.Nilibot ko ng tingin ang buong restaurant.Sarado kami ngayon lalo na at weekend naman.Ang noong maliit na restaurant namin ay di hamak na malaki na ngayon.May nag-iba na din sa interior nito pero nandoon pa rin ang orihinal na desinyo.As much as possible ay mas gusto kong ganoon pa rin iyon lalo nat iyon ang nagpapaalala sa akin kay daddy.
Natinag ako sa aking kinatatayuan nang maliliit na braso ang yumakap sa akin hita.Yumuko akoa at nakitang si Akira iyon na nakatingala naman sa akin.
"Mommy,ate basha told me that your good at surfing daw.I wanna try it too mommy!"sabi nito gamit ang nagmamakaawang mga mata.Alam niya talagang nadadala ako non.
"How about tomorrow baby? We're busy pa,okay?"sabi ko dito.She immediately nod and ran towards Basha and Basti.Napangiti pa ako nang humagikhik pa ito matapos kilitiin ni Basha.
Naging abala naman ulit ako sa paghahanda at hindi ko namalayang may mga dumating na bisita.
"Kiara!!"isang matinis na boses ang aking narinig.
Nilingon ko kung saan iyon nanggaling at napatawa ako nang makilala kung sino iyon.
"Franki!!"bati ko dito matapos ako mahigpit na niyakap.Bumuwag naman agad siya sa pagkakayakap sa akin bago ako tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Oh my god,kiara!!you looked gorgeous now!!"puri niya sa akin.Isang tawa lng ang iginanti ko.
"You looked more gorgeous,too.You're a supermodel anyway."balik pamumuri ko dito.
Sa likod naman niya ay nakita ko si Diana na nakangiti sa akin.Lumapit naman siya sa akin nang makita niyang nakatingin na ako sa kanya.Niyakap niya ako ng mahigpit.Miss na miss ko talaga sila.Hanggang video call lang kasi kami sa loob ng anim na taon.Kahit napapapunta man sila sa japan ay hindi ko magawang makipagkita sa kanila.Natatakot akong malaman nila ang tungkol kay Akira.Hindi nila alam na hindi akin si Akira.Ang alam lng nila ay may anak ako at pinalabas kong one night stand lng iyon.Ayaw ko kasing tratuhin nilang iba si Akira kahit na alam kong hindi sila ganoon.Paano ang ibang tao?Ano ang sasabihin nila?Ayaw kong masaktan si Akira kahit na alam niya ang totoo.Bata pa siya para maranasan ang pangungutya ng ibang tao.
"Miss na miss kita,Kia.Hindi man lng kita nakita noong nagJapan kami tapos ngayon malaman-laman ko nakauwi ka na pala."may himig ng pagtatampong sabi niya.
Niyakap ko siya ulit dahil naguiguilty ako.Kung kaya ko lng sabihin sa kanya.
"Sorry."pabulong na sabi ko.Hinagod niya lng ang likod ko bago bumuwag sa yakap ko.Namasa ang mga mata niya kaya pinunasan niya ito.
"It's okay.By the way, where's Akira?"tanong niya habang pinupunasan ang kanyang mata.
"Mommy."turan ng isang tinig sa aking hita na hindi ko napansin na nakalapit na pala.
Yumuko ako para buhatin siya.
"Baby,meet your tita Diana and tita Franki."sabi ko sa bata bago nilingon sila Diana.Nakangiti naman silang tumingin kay Akira pero hindi nakaligtas sa akin ang lungkot sa mga iyon.Hindi ko iyon pinansin pa.Ayaw ko ng isipin pa iyon.

BINABASA MO ANG
The CEO's Obsession
RomanceGino Aldeguer Roque IV,a young businessman who sees everything as a competition happened to be competing for the attention of his Father who never been proud of the achievements he had.Ito ang naging dahilan para maging isang mahigpit at striktong b...