Kiara's POV
Malapit nang magtago ang araw pero masaya padin kaming nagkukuwentuhan.Panay si Wealand ang nagkukwento ng mga kung ano-ano at paminsan minsan ay sumasawsaw din si Argel habang ang magkapatid at ako naman ang tumatawa lang sa mga kwento nila.Si Gino sa tapat ko ay nangumingiti lng at umiiling.Siguro ay naiiling nalng sa sigla ng mga kaibigan nito.I wonder kung ganito ba ito noon.
Isa namang empleyado ang lumapit at may sinabi sa kanya.Nakatingin lng ako sa kanila habang nagsasalita ang babae.Tumango tango si Gino sa sinasabi nito.
Nalingat ko lng ang tingin ko sa kanila ng magvibrate ang cellphone ko sa bulsa ko.Isang text ang natanggap ko at agad kong binuksan iyon.
Ate Hasna:
Kia,asan ka?
Agad naman akong nagtipa ng reply.
Ako:
Dito sa resort ate.Birthday kasi ng kaibigan nila Diana.Huwag kang mag alala ate,uuwi din ako at hindi magpaagabi:)
Mabilis siyang nagreply na ikinangiti ko.
Ate Hasna:
Sige.Ingat sa pag uwi.love you!<3
Napangiti din ako at agad na nagreply lng 'love you too'
Ibinalik ko ang tingin sa kanila at nahuli ang tingin ni Gino sa akin.
Bumilis ang tibok ng puso ko kaya nagtaas ako ng kilay para pagtakpan iyon.
Imbes na magsalita siya ay nagtipa siya sa cellphone niya kaya naghintay ako sa text niya.Maya maya ay isang text nga ang natanggap ko galing sa kanya.
Gino:
The table is set.Pinaayos ko na kila Manang.Would you mind if ikaw muna ang bahala sa kanila at titingnan ko lng kung tama ba ang pagkakaayos?
Tumingin ako sa kanya at tumango bilang sagot.Tumayo agad siya at nagpaalam na may tatawagan lng.
Bumaling agad ako sa kanila nang may itinanong si Diana kay Wealand.
"By the way, Wealand.Paano mo ba sinicelebrate ang birthday mo noon?"makahulugan na tanong niya.
Naging attentive naman kami sa pag iba ng usapan.Bago sumagot ay napangiti muna si Wealand.
"Sa amin,boodle lagi ng ginagawa namin.Mas masaya kasi yon!Pero sa Manila ay kumakain lng kami nila kuys tapos nag iinuman pagkatapos.Kaya lng,palaging kasama namin si Kuys Akie.Nasa Italy kasi siya ngayon.Aba'y hindi man lng ako nagawang batiin non.Hindi ko talaga siya papansinin pag umuwi niya!"alam kong biro lng iyon pero hindi nakaligtas sa akin ang pagtatampo sa tuno niya.Nakangiti man ay alam ko ang pagtatampo sa kanya tinig.
Napangiti nlng ako.Hindi ko man yun kilala..alam kong mahalaga sa kanya kung sino man iyon.
"Aysus!nagdadrama ka lng eh!"tudyo ni Argel kay Wealand na ikinangiti nito.
"Aww.Huwag mo nang tuksuhin, argel.Wealand might cry."singit pa ni Franki na di ko alam kung nang iinis o talagang nag aalala.
"Eh sa hindi bagay talaga eh.ahhahahaha."usal pa ni Argel.Sa sinabi niya ay tumawa nalang rin si Wealand,binalewala ang pagdadrama niya.Nag ingay naman ulit sila dahil bumalik na naman si Wealand sa pagkwento tungkol sa college nila.Kadalasan ay mga kalokohan naman iyon kaya naging maingay ulit.Panay lng ang tawa ko din nang makaramdam ako ng tapik sa balikat ko.
Tumingala ako at nakita ko si Gino na nakatingin sa akin.
Yumuko siya ng bahagya kaya natigilan ako.
BINABASA MO ANG
The CEO's Obsession
RomanceGino Aldeguer Roque IV,a young businessman who sees everything as a competition happened to be competing for the attention of his Father who never been proud of the achievements he had.Ito ang naging dahilan para maging isang mahigpit at striktong b...