Kiara's POV
Nanatili akong nakatingin sa kanya hanggang sa mawal siya sa paningin ko.Pasimple ko ding dinampian ng hawak ang sugat ko.
Yeah,I got clumsy and got myself into trouble.Eh sa nataranta ako kanina.Mabuti na nga lng at hindi iyon mainit na broth ang natapon sa akin na hawak ni Fumiya.Kasalanan ko iyon kaya di ko masisisi si Fumiya.Nang makita ko si Gino kanina ay parang gusto kong magpalamon sa sahig.
Nahihiya pa din ako sa nangyari kagabi pero parang wla lng ata iyon sa kanya.Siguro ay sanay siyang halikan sa pisngi ang mga nakakasalamuha niya.Nakalimutan ko ata na popular sa mga kagaya nilang mayayaman ang paghalik sa pisngi bilang pagbati.Masyado ata akong nasanay sa tradisyon ng Japan.Nakalimutan kong nasa Pilipinas nga pala ako at naiimpluwensiyahan ng tradisyong banyaga ang mga tao.
Sa naisip kong iyon ay parang bumigat ang puso ko.Napakaambisyosa ko naman ata para isiping ako lng ang hinalikan niya sa pisngi.Dismayado man ay nagpatuloy ako sa pagseserbisyo sa ibang customers.
Natapos ang araw na iyon na naging abala ako sa restaurant kaya nang gumabi ay hindi na naman nawla ang nangyari kagabi.Tuloy ay panay ang pag-iba ng posisyon ko saa aking kama.Hindi pa man masyadong malalim ang gabi kaya di pa ako dinadalaw ng antok.
Para mabaling sa iba ang atensiyon ko ay kinuha ko ang laptop ko at tiningnan ang mga recorded videos ko.Napangiti ako habang nakatitig sa sa higit sampung videos na nandoon.
Mga video ko ito na nirecord ko isang taon na ang nakakaraan.Hilig kong magcover ng mga kanta noon pero isinantabi ko ito nang mapunta sa akin ang restaurant.Kay ate Hasna naman nakapangalan ang bahay.
Nang malaman ko ang utang ng tatay ko ay tinalikuran ko ang pagkanta.Nagfocus ako sa pagnenegosyo para mabayaran ang utang niya.Ayaw kong umasa kay ate na noong nawala sa amin ang tatay namin ay siya ring pag-iwan sa kanya ng kanyang asawa dahil ayaw nitong maging responsable sa mga anak nila.Dati ay masasabi kong kahit papaano ay may sinasabi din kami sa buhay.Lumaki ako sa Japan kasama ang lolo't lola ko..Habang si ate naman ay ditos sa Pilipinas nag-aaral.Pero nang magkasakit at mamatay ang nanay namin ay parang nalugmok na din si daddy...Halos maubos ang mga ari-arian namin dahil sa pagpapagamot ni mommy.Pero hindi ko alam na nagkautang siya ng malaki kung hindi lang namin nalaman sa attorney ni daddy ang tungkol doon.
Napasulyap ulit ako sa mga video at plinay ang isa..Nakita ko ang sarili ko sa video at agad nalaman kung saang lugar ako nito.Nasa japan ako nito.
Pinanood ko ang video at dahil naaliw ay panibagong video na naman ang plinay ko.Hanggang sa panibago na naman ang plinay ko at nagsunod-sunod na.Nakatulugan ko ang panonood at nang sumunod na araw ay naging abala na ako.Naging ganoon ang sitwasyon ko hanggang sa magbiyernes.Kaya nang magsabado ay hindi ko na mapigilan ang excitement ko dahil makakapagsurfing na naman ako.Hindi ko man maamin ay nag-aanticipate na ako sa mangyayari bukas at sa ideyang makikita ko na naman siya.Ewan ko ba pero nasasabik akong makita siya dahil hindi ko siya nakita ng mga nakaraang araw.Nahihibang na ata ako.Masigla akong bumati sa mga customers na pumasok sa umagang iyon at panay silip ko sa pansariling relo para bantayan ang oras.Bukas paa ang schedule ng lessons niya pero ang ideyang iyon ay siyang nagpapasigla sa akin sa araw na to.
Tuloy ay natapos na naman ang araw na pagod na pagod ako at agad nakatulog.Kinabukasan ay maaga akong nagising at maagang nanguna sa pamimili.Ang mga kasama ko ngang si Yamyam at Fumiya ay parang zombie na nakasunod sa akin.Kung hindi naman lutang ay panay ang hikab.Alas singko kami namalengke na taliwas sa oras ng pamimili.Kadalasan ay alas siyete o alas otso kami kung mamalengke pero dahil maaga akong nagising ay mas pinili kong maaga ding mamalengke.Hindi ko tuloy naisip na baka inaantok pa ang dalawa bago ko sila ayain.Malapit ng mag alas otso ng matapos kami at umuwi.

BINABASA MO ANG
The CEO's Obsession
RomanceGino Aldeguer Roque IV,a young businessman who sees everything as a competition happened to be competing for the attention of his Father who never been proud of the achievements he had.Ito ang naging dahilan para maging isang mahigpit at striktong b...