CHAPTER 66:aishiteru

637 26 10
                                    

Isang halik sa labi ang gumising sa akin.Hindi ko tuloy mapigilang mapaungol dahil doon bago unti-unting binuksan ang aking mata.Ang bumungad sa akin ay isang nakangiting Gino na nakatukod ang kamay sa kama at nakatitig sa akin.

"Morning sleepy head."nakangiting sabi niya.

Sinimangutan ko siya bago tumalikod at sinulyapan ang orasan sa bedside table niya.Hindi na ako nagtakang pasado alas onse na ng tanghali pero gusto ko pang ipikit ang aking mga mata dahil madaling araw na kami natulog kanina.Pareho pa kaming pagod sa lagay na yun.tssk.

Ipinikit ko ulit ang aking mga mata para sana umidlip ulit pero nagising ng tuluyan ang diwa ko nang maramdaman ko ang kamay na gumapang sa tiyan ko na naghatid na naman ng kakaibang sensasyon sa puson ko.Pinigilan ko ang sarili kong gumawa ng ingay at kinagat nlng ang aking labi.

"Com'on darling.The meeting with the Roque Holdings, remember?"bulong niya sa tenga ko at hinalikan iyon  na kumiliti sa akin.

Ayaw ko pa sanang bumangon pero may nakaschedule na akong meeting ngayong ala una sa  Roque.Ramdam ko pa din ang pagod.Humarap ulit ako sa kanya at doon ko lng napansin na topless pa din ito pero may suot ng sweatpants.Nang makita niya akong nakatingin sa suot niya ay ngumisi siya at kinagat ang labi.

"You're sore,darling.Maybe next time."may pag-aalala man ay hindi nakaligtas sa pandinig ko ang panunukso doon.

Nanlalaki ang matang hinampas ko siya sa dibdib.Napakabastos!!

"Bastos!!Wla akong sinasabing loko ka!!"singhal ko sa kanya na ikinatawa niya bago dinakip ang kamay ko at masuyo iyong hinalikan kaya napatigil din ako.Ang galing magpawala ng inis!napakagaling!

"Stop looking like you want me again,darling.Kung ayaw mong ganon ang isipin ko."sabi niya bago hinalik-halikan ulit ang kamay ko.

Naiinis ko uling kinuha ang kamay ko sa kanya bago siya tinulak.Ngumisi paa ang loko kaya binato ko siya ng unan na agad niyang nailagan.

"Letse ka!!ikuha mo nga ako ng robe.Bilis!"utos ko sa kanya bago bumangon at hapit hapit pa din ang comforter na nakatakip sa hubad kong katawan.Nararamdaman ko rin ang pagkirot ng gitnang bahagi ng mga hita ko kaya naging maingat ako sa mga galaw ko.

Mataray na binalingan ko siya ng tingin nang mapansing nakatingin lng siya sa akin at hindi nawala ang ngisi niya.Ang sarap suntukin!!

"What!??just give me a d*mn robe,Roque!"sigaw ko sa kanya pero hindi pa din natinag ang loko.Mas ngumisi pa siya at hinagod ng tingin ang katawan ko kahit may nakatakip naman dito.

"Why do you bother covering it?Nakita ko na naman lahat at natikman---"

"F*ck it!!Lalayasan kita!!"gigil na utas ko bago tumayo at nawalan na ng hiya pa para takpan ang katawan ko bago ako naglakad papasok sa banyo.Kahit masakit ang ibabang parte ko ay ininda ko iyon para makaalis sa harapan niya kundi mababato ko sa kanya lahat ng mahahawakan ko.Bwiset!!!

Nang makapasok ay padabog kong sinara ang pinto na gumawa ng malaking ingay.Saka lang ako kinain ulit ng hiya nang makita ko sa harap ng salamin ang hubo't hubad kong katawan.May namumulang pantal sa dibdib ko at pati sa may kaliwang hita ko.Nakakainis ka,Roque!Sobrang nakakainis!!

Bumuntong hininga nlng ako sa inis na naramdaman ko at nagpasyang maligo.Makailang ulit kong sinabon ang katawan ko umaasang makukuha non ang mga pantal sa katawan ko pero halos sumpain ko na si Gino nang hindi man lang nabura ng kaunti ang mga iyon.

Natapos tuloy akong maligo na bakas ang inis sa aking mukha.Nakita ko siyang pinapalitan ang bed sheet kaya napaiwas ako ng tingin dahil naalala ko naman ang kahihiyang pinanggagawa ko.Nilingon niya ako pero hindi ko siya pinansin at pumasok nlng sa walk in closet niya.Nandoon ang iba kong damit na kinuha namin noong isang araw sa bahay.Matapos magpahid ng lotion sa buong katawan ko at magsuot ng undergarments ay pinili kong suotin ang  three piece red pantsuit ko na tenernuhan ko ng pula ring sapatos.Naglagay ako ng light make up at ginawang ponytail ang buhok ko na mas naging kapansin pansin ang pagkakakulot ng dulo.Naglagay din ako ng earrings na kapares ng kwentas na suot ko.Nang makuntento ay lumabas na ako na dala-dala ang pula ko ring hand bag.Sakto din ang paglabas niya mula sa banyo na nakatapi lng ng tuwalya at basa pa ang buhok.Nag-iwas agad ako ng tingin nang tingnan niya ako.

The CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon