Kiara's POV
Mahapdi ang mga mata akong bumangon kinabukasan.Suot ko pa din ang gown ko kagabi.Nakatulugan ko na ata ang pag iyak at nalimutan ang pagbihis.
Dali dali akong naglinis ng sarili at lumabas.Nagulat nlng ako ng muntik na akong madapa sa paang nakaatang doon.Halos makausal ako mura dahil doon.Pero nakalimutan ko iyon nang makita ang isang nakakunot noo kahit na nakapikit na si Gino.May humaplos na kamay sa puso lalo na ng makita koa ang posisyon niya.Kitang kita kong nahihirapan siya dahil lumulukot ang mukha niya.
Napabuntong hininga ako at marahan siyang tinapik.Natataranta naman siyang nagpalinga-linga at nang makita niya ako ay nanghihina niya akong tiningnan.
"Darling..."pabulong na sabi niya.
Nabiyak ang puso ko ng marinig ko ang pagbasag ng boses niya.Pero ang nangyari kagabi ay hindi ko kayang palagpasin.Hindi ko nga alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para harapin siya.Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang iwan nlng siya.Siguro ay dahil mahal na mahal ko siya.
"Sa kwarto ka na magpahinga.Magluluto lng ako."hindi mapigilan ang tabang na sabi ko bago ako tumalikod at bumaba.
Sunod sunod na bumuntong hininga ako bago naglabas ng mga lulutuin.Naabala ako sa pagluluto kaya hindi ko napansin ang paglapit niya sa akin.Mga braso na lamang ang nakita ko na pumulupot sa akin at ang naamoy ko na lalaking body wash.Isiniksik niya sa leeg ko ang mukha niya.Nakikiliti man ay hindi ako umimik.Hindi ko na din alam kung paano ko natapos ang pagluluto nang ganoon pa din ang posisyon namin.Kaya nang matapos ay binaklas ko ang kamay niya sa akin at naunang maupo.
Narinig ko ang pag-usog ng silya sa harap ko.Nilagyan ko siya agad ng bacon at sunny side up sa kanyang plato.Pinagbuhusan ko din siya ng pineapple juice bago pagsilbihan ang sarili ko.Nang hindi ko napansin ang paggalaw niya sa kanyang pagkain kaya tiningnan ko siya.
Nakatitig lamang siya sa akin na samut sari ang emosyon sa kanyang mga mata.Umiwas agad ako ng tingin dahil natatakot akong pangalanan ang mga emosyong iyon at baka bumigay ako."Kumain ka na."sabi ko dito.Kumain nga siya at panay ang sulyap sa akin.Mabilis akong natapos sa pagkain at agad na tumayo para ilagay sa lababo ang pinagkainan ko pero pagkadaan ko sa gilid niya ay hinatak niya ako paupo sa kandungan.Muntik ko pa ngang mabitawan ang plato kung hindi lng mahigpit ang pagkakahawak ko.
"Don't do this to me, darling.Gagawin ko ang lahat ng gusto mo.Just dont ignore me.please."pagmamakaawa niya.
Sumibol naman ang awa ko lalo na nang makita ko ang pangingilid ng luha niya.Pero hindi tamang maging bulag nlng ako sa nangyari.Hindi ako ganoong tao.
"Wala kang dapat gawin.Hindi ko magagawang suwayin ang sarili ko dahil hindi ko alam kung paano.Hindi mo alam kung gaano kita kagustong intindihin ng puso ko pero nangunguna ang utak ko.Hindi ko rin kayang ganito tayo pero naawa din ako sa sarili ko."emosyunal na sabi ko dahil hindi ko mapigilan din.Kagabi ko pa pinipigilan ang pagsabog ng emosyon ko dahil nagiging irasyunal ako at reckless.Lalo na kung dahil sa taong mahal ko.
"I can justify what happened, darling.Kukunin ko ang CCTV footage para makita mong hinatak niya ako---"
"Hindi ko na kailangan yun.Alam ko naman na nagsasabi ka ng totoo.Nadismaya lng akong hindi mo nagawang manlaban lalo na at lalaki ka.Pero alam mo,hindi ko alam kung bakit nagiging rasyunal at emosyonal ako pagdating sayo.Sinasabi ng puso kong pakinggan ka at patawarin pero iginigiit ng utak ko kung bakit hindi mo nagawang manlaban doon."sabi ko dito at tumulo ang luha ko.Agad niya iyong pinunasan.Pinaglapit niya ang mga noo namin habang nanatiling akong umiiyak.
"Please forgive me, darling.Please."pagsusumamo niya.Hindi ko siya nagawang sagutin at narandaman ko nlng ang paglapat ng labi niya sa labi ko.May sensasyong nabuhay sa loob ko at mga paru-parong nasa tiyan ko.Kumalabog ang puso ko.Naging marahan ang paghalik niya sa akin at hindi ko kayang hindi magpaubaya.Inilagay ko ang mga kamay ko sa mga leeg niya kaya nabitawan koa ang platong hawak ko.Gumawa iyon ng ingay at titigil na sana ako nang mas nilaliman niya ang pagkakahalik sa akin.Napaawang ang labi ko dahil doon at mas lalo niya lamang nilaliman ang halik.Mas nabuhay ang sensasyong hindi ko maipaliwanag.Nasa kalagitnaan kami ng paghalik nang tumunog ang cellphone niya kaya tumigil ako at namumulang isiniksik ang mukha ko sa leeg niya.
BINABASA MO ANG
The CEO's Obsession
RomanceGino Aldeguer Roque IV,a young businessman who sees everything as a competition happened to be competing for the attention of his Father who never been proud of the achievements he had.Ito ang naging dahilan para maging isang mahigpit at striktong b...