CHAPTER 29:like

316 18 2
                                    

Gino's POV

Huli akong pumasok kaya pagkasirado ko ng pintuan ay ako ang huli niyang nakita.Nagtama ang tingin namin at agad naman siyang umiwas.I arched my brows upon how she reacted.

What?

"Kia!!"Wealand shouted kaya napatingin ang mga tao sa amin.I mentally cursed in my head.Great, Wealand!Just great!

Natatawa man ay pinatahimik niya si Wealand.Tuluyan kaming pumasok at pumwesto sa lamesang pinunasan niya kani-kanina lng.

Si Wealand ang naka-isip na pumunta dito dahil gusto niyang ipasyal si Akie.Hindi naman ako tumanggi kasi wla naman akong gagawin.Tapos ko namang tingnan ang mga invitations na ipapamigay sa iilang kilalang kakilala namin para sa pagbubukas ng resort.

Nakapwesto na kami nang may pumasok pa ulit.Nagbago ang timpla ng mukha ko nang makilala kung sino iyon.Kung kanina ay nasisiyahan akong pumarito ay ngayoy hindi na.Yeah,I forget nandito din pala siya.

"Sky!Dito!"Franki called.

Ensakto naman na sa tabi ko nalang ang bakanteng upuan.Umupo siya sa tabi ko.Hindi ko siya nilingon man lng at nanatiling nakatingin lng sa paligid.

Dinaluhan agad kami ni Kiara at binigyan ng menu.

"Ako na ang sasagot sa mga gusto niyo."biglang usal ni Wealand at inilabas ang pera kong kinuha niya kay Akie kahapon.Napailing nalang ako.

"Kasi naman kinuha mo yung di sayo.Ang dami mo ngang sinabi sa amin eh.boss,Kunin mo nga ang pera mo dito."tukso na naman ni Argel kay Wealand.

Wealand stick out his tongue to Argel.Tinawanan lamang sila ng iba at nagsimula ng mag-order.Ako naman ganon din ang ginawa.Matapos naming mag order ay iniwan kami ni Kiara at nagpatuloy sa pagseserve ng ibang customers.

Nanatili lang ang mata ko sa kanya.Nakamasid sa mga galaw niya at palihim na pinupuri ang galing niya sa pagdala ng mga customers.

"She's good."someone commented.

I didn't bother to looked at him.I don't need his comments though.

"So, she's the reason why you're enjoying here?kaya pala imbes na harap harapang makipagmeeting sa ibang board members ay mas pinili mong magonline meeting."usal niya pa.

Hindi ako nag abalang umimik.As much as I want to counter back ay mas pinili kong manahimik.I don't want to start a scene here.

"Afraid eh?"

Bago pa man ako sumabog at gumawa ng gulo ay pasimple kong inusog ang upuan ko na siyang gumawa ng ingay na tamang tama lng na maagaw ang atensiyon ng mga kasama namin.I move atleast to loosen up the tension I am feeling now.Matinding pigil ang ginawa ko sa simpleng pag usog lng.

"Sky."may himig ng pagbabantang utas ni Diana.

Dumating ang mga pagkaing inorder namin na ramdam pa din nang bawat isa ang tensiyon sa aming lamesa.

Isa isang inilapag ni kiara kasama ang isa pa nilang empleyado ang mga pagkain.Napansin ko ang pagsulyap niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya.Ngumiti siya at napansin ang pag aalala sa mata niya.Tumango ako sa kanya bago sila sabay na umalis.Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng magsalita na naman si Wealand.

"Alam mo kuys Akie.Magaling magsurfing yang si Kiara.Ang galing bumalanse."magmamayabang niya.

"Hindi ka ba natuto?"tanong naman ni Akie habang sumusubo.

They didn't grew up at all.Dala pa din nila ang ugaling nagsasalita kahit na may laman ang bibig.Tss.

"Eh paano ba naman yan matututo!Nasa dalampasigan pa nga lang at paparating pa ang alon ay natatakot na.Aahhaahah."tukso na naman ni Argel.

The CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon