Gino's POV
Pagkalabas ko ay dumeretso ako sa opinsinani dad not minding all the eyes looking at me..masyado na akong sanay sa mga tingin na yon...sanay na sanay..
When I was in the front of the door,I knocked three times before coming in..a usual manner everytime I will enter an office... specifically my dad's office..
Pagkapasok ko ay natanaw ko agad siya sa kanyang lamesa habang may binabasa..
"Dad..."usal ko upang kunin Ang atensiyon Niya Mula sa pagbabasa
Inangat niya Ang kanyang tingin sa akin at bago pa man makapagsalita ay bumukas muli Ang pinto ng kanyang opisina..wihout glancing,Sky entered with the same exact confidence he always wear..suot Ang kanyang coat ay kapansin pansin Ang nag uumapaw niyang kompyansa sa sarili...
Nang magtama Ang paningin namin ay isang ngiti Ang iginawad niya sa akin bago ako tinapik sa aking balikat..
Tumango ako bilang pagtugon sa kanyang pagbati...
"Have a seat.Both of you."dad said as he motioned his hand to us..
Umupo kami sa magkabilang silyang kaharap ng aming ama..Tumingin siya Kay Sky..isang tingin na kakikitaan talaga ng matinding paghanga at pagmamalaki...
That same stare was the only thing I want for almost 23 years of my existence...pero di ko man lng makuha kuha..Matapos niya itong tingnan ay saka ito blankong bumaling sa akin at nagsalita
"I'm not getting young,sons.Nasa edad na ako ng pagreretiro.And I honestly want to rest."panimula niya na Alam ko na Ang kanyang pinupunto...
Sa loob ko may pananabik akong nararamdaman ngunit di ko maikakailang nangangamba Rin ako..nangangamba akong di makuha Ang pwesto... I've never been this eager to have the position...ngayon lng na alam Kong singkwenta porsiyento lng ang tsyansa ko...
Napatingin ako Kay Sky..I know he also wants the position like me..He can be this competitive na halos kaya niyang gawan ng paraan lahat...nakakatawa lng Rin minsan na mas matanda ako sa kanya..yet..di ko man lng siya mapantayan sa mga mata ng daddy namin...not even winning all the sports I'm interested in..Hinilig Ni dad Ang kanyang likod sa swivel chair na kinauupuan Niya..tinggal Ang suot nitong salamin at Tumingin uli sa amin..
"So,what are you trying to say dad?"tila Hindi pa Alam na tanong niya..napalingon ako kay Sky...
Sa tanong niya ay isang buntong hininga Ang pinakawalan Ni dad na nagpalingon sa akin sa kanya..His face is serious..
"I'm going to choose the next deserving man to replace my position."anunsyo Ni dad..
Bumalatay Ang kaba sa aking dibdib kahit na Alam ko na mangyayari ito..iba pala talaga pag mismong sa kanya nanggaling Ang mga salitang iyon.talaga lng na Hindi ako isang daang porsiyentong sigurado Kung makukuha ko Ang position..
"Sa loob ng tatlong buwan ay pipili na ako ng hahalili sa akin at sa loob ng tatlong buwan na iyon ay ang pagpapatunay niyo Kung karapat dapat ba kayo sa posisyon."usal Ni dad...
Excitement and fear starts to eat me...This is what you actually want,Gino!!!Prove yourself then..
"Ipapadala ko kayo pareho sa iba't ibang branch natin."Saad niya pa..
Nabuhayan ako ng loob sa narinig ko...sa loob loob koy tumaas Ang kompyansa Kong makuha Ang posisyon..Lalo na at inaasam asam ko pa naman Ang expansion project sa Batangas..Isa sa mga tinatanaw na proyekto namin ngayong taon...and was actually the reason for the proposal my team was trying to make ..It would be much better Kung ito Ang project na makukuha ko ngayon.
"Saan naman po dad?"Sky asked.
Humilig si dad sa kanyang kinauupuan saka pasimpleng kinuha Ang dalawang folder sa kanyang drawer..ibinigay niya Ang Isa Kay Sky at Isa sa akin...
Binuklat ko Ang folder ko at nakita ko Ang isang pangalan ng lugar na tanging nakahagip ng paningin ko...
Sa nakita ko ay para akong binagsakan ng lupa...No..no..this is not true!!!
Pero ng matanto Kong anong resort Ang ibinigay sa akin ay halos manlumo ako Lalo...
Jesus!!!ito Ang resort Ni Lola na halos di na dinadagsa ng mga tao...na halos pinaglumaan na ng panahon...for about a decade...tapos ito pa Ang mapupunta sa akin...God!!!This is not good!!!This is unfair!!
Nanginginig na tiningnan ko Ang address Kung saan ito...at mas Lalo lamang naging klaro Ang lahat..."LA UNION....."
#kiano
#miss Surfer
#The BossPlease vote after reading!!!thanks guys!!enjoy reading the story!!!😘😘😘
BINABASA MO ANG
The CEO's Obsession
RomanceGino Aldeguer Roque IV,a young businessman who sees everything as a competition happened to be competing for the attention of his Father who never been proud of the achievements he had.Ito ang naging dahilan para maging isang mahigpit at striktong b...