CHAPTER 39:kaya

371 23 8
                                    

Pagkagising ko kinabukasan ay ingay ang sumalubong sa akin.Nagkakamot pa nga ako ng mata nang lumabas ako.Namilog agad ang mata ko sa mga taong nandoon.Sabay silang napatingin sa akin at binigyan ako ng nagtatakang tingin.Sa hiya ko ay agad akong pumasok sa kwartong inuukupa ko.Bwesit!! Gusto ko nlng magpakain sa sahig sa hiya.Hindi man lng ako sinabihan ni Gino na may dadating palang mga tao dito.Hindi naman sila mga mukhang bisita dahil hindi naman sila nakaayos.Gumulong ako sa kama at nagtalukbong ng comforter sa aking mukha.Pulang pula siguro ang mukha ko ngayon dahil nararamdaman ko ang pag init ng mukha ko.

May narinig akong kumatok bago tunog ang pinto na alam kong pumasok ang kung sino man.Nanatili ako sa posisyon ko at hinintay na magsalita siya kahit na alam kong iisang tao lng naman ang papasok.

"Hey!bumangon ka na para makapag ayos."marahang sabi niya pero hindi ako gumalaw.Bahagya namang lumubog ang paanang parte ng kama bago ko naramdaman ang pagtapik niya.

"Com'n,darling.I know you're awake.Malalate tayo sa misa."banayad na pamimilit niya.

Nakasimangot naman akong bumangon.Tinawanan niya ako dahil doon.

"Nakkakahiya tuloy!lumabas ako kanina.Akala ko kung ano ang meron.Hindi mo man lng ako sinabihan."nakasimangot pa ding maktol ko.Tumawa na naman siya at Hinaplos ang buhok ko.

"So?Bakit ka naman mahihiya?pabayaan mo sila.Go and prepare yourself.Babalikan kita dito maya maya.Aasikasuhin ko lng ang catering."nakangiting paalam niya at hinalikan muna ako sa noo bago lumabas.

Isang ngiti naman agad ang sumilay sa labi ko dahil sa ginawa niya kaya masigla akong nagtungo sa banyo at naligo.

Nag-aayos na ako ng sarili ng may kumatok na naman.Tapos ay pumasok si Gino na uaapaw sa kagwapuhan dahil sa white polo shirt na suot niya at naka tuck in pa ito sa jeans niya.Hindi ko mapigilang mapatitig muna sa kanyaa at napapalunok na tiningnan siya.

Ngumiti siya at lumapit sa akin.

"Are you ready?"tanong niya.Tumango ako kaya nagpasya naa kaming umalis.

Dumating kami sa isang memorial park at kapansin pansin agad ang iilang mga kotseng nakaparada doon.Lumabas ako na nakasuot ng isang White above the knee dress at puti ring sapatos.Sakto lng ang pagkakahapit niyon sa katawan ko kaya kahit papaano ay desente namang tingnan.Sa balikat ko ay isang sling bag.Sabay kaming naglakad papunta sa isang nagmumukhang bahay sa di kalayuan.May iilang tao na din doon kasama ang mga kaibigan namin.Kumaway sila sa akin kaya nginitian ko sila.Pagkarating naman namin sa kanila ay sinalubong ako nila Franki habang si Gino ay sinalubong naman ng mga kakilala at nakipagkamay dito.Mukhang kami nlng ata ang hinihintay nila dahil agad na idinaos ang misa.Isang tent ang pomoprotekta sa amin sa init ng araw.Nasa kalagitnaan na ng misa nang makita kong dumating ang daddy ni Gino at ang mommy niya.Sa likod nila ay si Sky.Napatingin ako kay Gino at nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya pati ang pag-igting ng bagang niya.Naalarma ako at bahagya siyang hinawakan sa braso.Madilim ang mata niya akong nilingon kaya nginitian ko siya.Lumamlam ang mata niya at pilit na ngumiti.Ang kamay ko na nakahawak sa braso niya ay kanyang kinuha at pinagsaklop ang kamay namin.Pareho naming nginitian ang isa't isa.Tiningnan kong muli ang mga magulang niya at biglang nawalan ako ng gana ng isang sasakyan din ang dumating.Lumabas doon si Tiara at ang mga magulang nito.Kamukha ni Tiara ang mommy niya na nakahawak sa kanyang ama.

Naagaw ulit ni Gino ang atensiyon ko nang bahagyang humigpit ang pagkakahawak niya doon.Lumapit siya ng bahagya sa akin.

"I'm sorry.Hindi ko naman sila inimbitahan."bulong niya sa akin kahit na nakatuon sa pari ang kanyang mata.

Gamit qng kabilang kamay ay hinaplos ko ang braso niya para iparating na okay lng bago ko ibinalik sa pari ang atensiyon ko.Nakarinig kami ng mga munting pagbati sa likuran namin pero pareho naming hindi nilingon sila.Hindi nagtagal ang misa at natapos din ito.Kasama ko na ulit sila Wealand habang pinapasalamat pa ni Gino ang pari.

The CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon