CHAPTER 32:Bigo

310 17 4
                                    

Suot ang gown ay kinakabahan akong bumaba.Nasa resort na ako at halos lumubog na ang araw tanda na malapit ng magsimula ang opening.Sa resort na ako pinagbihis at inayusan nila Diana kaya tanghali palang ay nandoon na ako pero hindi ko man lng nakita si Gino.Masyado ata siyang busy pero kahit na ganoon ay hindi ko maiwasang mapangiti ng magtext siya sa akin kagabi na susunduin niya ako at agad ko yung tinangihan dahil sa resort lang din naman ako mag aayos.

Nasa unang baitang na ako ng hagdan pababa nang makaramdam ako ng sobra sobrang kaba.Iilang mga bisita na ang nasa baba at hindi nga maipagkakailang mayayaman ang mga ito.Sa mga suot palang nila ay alam ko na.

"Kia,akala ko bumaba ka na."untag ni Diana sa likod ko.Nilingon ko siya at hindi ko mapigilang humanga dahil sa ganda niya ngayon.Nakatube na gown siya at hapit na hapit sa katawan niya ang tela ng kulay blue niyang damit.Malalaman mo talaga na isa siyang modelo dahil sa katangkaran at sa kagandahan ng katawan niya.Sa kamay niya ay may purse siya at ang kanyang buhok ay nakabun pero may istilo na bumagay sa kanyang mukha.

"Kinakabahan ako."tapat na amin ko.

Bahagya siyang napatawa bago ako akayin pababa.Humahakbang palang kami ay halos hindi ko na magalaw ang paa ko at kahit na sanay sa heels ay parang bago pa lang ako nagsanay na magsuot noon.Baka nga ang madapa ako mamaya na sana huwag naman.

"Chill,Kia."bulong niya nang tuluyan na kaming makababa.Bumuntong hininga ako at pilit na kinalma ang sarili.

Com'on kiara!Parang hindi ka naman nakapunta na ng ganitong event.Just be neutral and calm down.

Naaaninag ko na ang lights sa labas at iilang tao na rin.Mamaya pang alas otso ang event pero kahit papaano ay unti unti nang dumadating ng mga tao.

"Diana?"

Pareho naming nilingon ang nagsalita.Isa itong ginang na kahit na may edad na hindi pa din nawawala ang ganda nito.Maamo ang mukha at isang matamis na ngiti ang nakapaskil sa kanyang mapupulang labi.Saka ko lng napagtantong may kamukha ito.

"Tita!"bati ni Diana at humalik dito.

Nagyakapan sila at kitang kita ko ang pananabik nila sa muling pagkikita.

"How are you,hija?Franki?Nakauwi ba ang mommy mo?"tanong niya at sa uri mg pagkakatingin nito kay Diana ay puring puri niya ito.

"Nasa ibang bansa po.Alam niyo naman po iyon,nakahiligan na ang pagpunta sa mga fashion shows.

Sa narinig ko ay napatingin ulit ako sa ginang.Tama!magkamukha sila ng mommy nila Diana.Siguro ay magkapatid sila.

"By the way,tita.This is my friend,Kiara Takahashi."pakilala niya sa akin.

Ngumiti ako sa Ginang at ganoon din siya sa akin.

"Nice to meet you po."magalang na bati ko.Natinag ako ng lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa magkabilang pisngi.

"Takahashi?You have a foreign blood eh?kaya pala ay napakaganda mo hija."nakangiting kumento niya..

Nahihiya akong nagbaba ng tingin.Geez!Hindi ako sanay sa mga papuri.

"Oh sya,maiwan ko muna kayo,my husband might be looking for me.Alam mo naman yun,hija."sabi niya at bahagyang umiling-iling

Nakalabas na nga ito at iilang nakatuxedo na kalalakihan naman ang pumasok.Napangiti ako ng makilala ang mga iyon.

"Kiara!!!"

Napailing nalang ako dahil kay Wealand.Puring puri na sana ako dahil napakatino niyang tingnan sa suot niya pero hindi na pala.

Sabay na lumapit sa amin si Wealand,Argel at Akie.Napatingin ulit ako sa pintuang pinaggalingan nila at nagbabasakaling  makita ko siya.Pero bigo akong ngumiti at bumaling nkng sa kanila.

The CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon