CHAPTER 51:marry

376 20 7
                                    

"baby,will you please hold this one for mommy?"sabi ko kay Akira habang inabot ko ang bag ko sa kanya.
Kasalukuyan kaming namimili ng groceries ni Akira dahil naubusan ng supply sa bahay at para na rin sa welcome party namin pareho ni Hiro.Dapat ay kasama namin siya ngayon pero may urgent siyang presentation para sa isang ipapatayong bagong building sa Cebu.

Naiintindihan ko naman iyon lalo na at iyon ang kanyang propesyon at alam ko namang para iyon kay Akira.

"Mommy,can I have some chocolates?I promise,just two of it."nakapuppy eyes na sabi niya at iminwestra pa ang kamay na parang nag peace sign.Gusto ko man siyang hindian ay hindi ko kaya.Bata pa lamang siya na gustong sumubok ng mga bagay na gusto niya.Puro matatamis ang kinakain niya nitong nga nakaraang araw kaya nababahala ako sa kalusugan niya.Hindi man siya talagang sa akin nanggaling pero hindi ko kaya na makitang magkasakit siya sa pangangalaga ko.Hindi lng si Hiro ang bibiguin ko kundi pati na din si Akesha.

"Okay.Just two."nakangiting sang-ayon ko dito.Lumiwanag namana ang mukha niya bago niyakap ang binti ko at ibinigay ang bag ko.Pagkatapos ay sinundan ko siya ng tingin nang tumakbo siya papunta sa chocolate section ng grocery.Nakangiti ko namang pinagpatuloy ang pagkuha ng mga kakailanganin namin nang makatanggap ako ng text galing kay Hiro.

Hiro:

Sweetie, I'll be late for lunch.Mauna nalang kayong kumain ni Akira.

Agad naman akong nagtipa ng reply sa kanya.

Ako:

Okay.Just make sure to eat your lunch nlng before you go home.Huwag mo na kaming isipin ni Akira.Take care always.

Mabilis naman siyang nakareply.

Hiro:

Always.Say my love to Akira for me.

Napangiti nalang ako bago ibinalik ang cellphone ko sa bag.Nag-ikot pa ako kasama si Akira.Dumaan kami sa meat section hanggang sa fruit section.

"Watermelon!!"masayang sabi ni Akira na nakatanaw sa mga display ng watermelon sa harap namin.Paborito niya iyon kaya kumuha kami ng isa.Tatlo lng naman kami sa bahay kaya hindi rin naman agad namin mauubos iyon.

Matapos ang higit isang oras naming pamimmili ay pumila agad kami sa counter.Hawak ko sa kamay si Akira na inosenteng nakamasid lng sa paligid.She's observant and curious at the same time.Paminsan-minsan tuloy siya kung magtanong ng mga napapansin sa akin.

"Look!! he's with dad yesterday right, mommy?"biglang sabi ni Akira sabay turo sa isang pamilyar na pigura sa di kalayuan habang tulak-tulak nito ang isang cart.Pero hindi sa kanya napako ang tingin ko kundi sa kasama niya.

I clenched my fists when I saw her familiar face.

Tiara.

Hindi ko alam kung galit o pagkadismaya sa sarili ang aking mararamdaman.Galit ba ako dahil sa panggagamit niya o dismayado ba ako sa sarili ko dahil nagpagamit naman ko.O baka ay pareho.

Nang magtama ang mga mata namin ay nakita ko ang biglang pagkagulat niya pero agad din naman iyong nawala nang kunin ng kasama ang kanyang atensiyon.

"Maam,cash po ba ito?"untag ng cashier kaya natinag ako.
Hilaw akong ngumiti at inabot sa kanya ang card ko.

Naging conscious ako sa paligid kaya mas itinuon ko sa cashier ang atensiyon ko.Hindi ako natatakot na baka makita ako ni Tiara at ipamukhang tama ang mga sinabi niya noon.Nag-aalala lng ako dahil kasama ko si Akira.We never raised her in a society who only knows about pointing out their judgments.Pinalaki namin siyang bulag sa sitwasyong iyon.Back in Japan,hindi kailanman naisangkot namin ni Hiro sa mga matang wlang ibang alam kundi ang mamintas ang mang-api because both of us went through the same context.Pareho naming iniiwas doon si Akira.

The CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon