CHAPTER 48:Man

287 20 6
                                    

Kinabukasan ay maaga kong inasikaso ang anak ko dahil maaga akong pupunta sa opisina.Yes,I was a board member now of a company my tito Liam has founded.Naging into real estates siya bago siya nakipag-usap sa akin.Kaya ganoon na lamang ang kompyansa ko nang puntahan ako ng tatay niya noon.I meant it all.My uncle found out about the debt and he contacted us.I refused at first pero dahil sa pang-aaping ginawa ng mga Roque ay pinili kong ibaba ang pride ko.Hindi man agad naging maganda ang samahan namin ay kinalaunan ay naging maayos naman matapos kong malaman na may sakit siya at tanging kami nlng ang pamilya niya.Lahat sana kami ay dadalhin niya pabalik sa Japan pero tumanggi si ate dahil sa napamahal siya sa Pilipinas.Ako na lamang ang sumama ulit sa kanya sa Japan at nag-aral ulit.He also taught me how a business runs.Pagkatapos ng dalawang taon ay tuluyan nga siyang namatay dahil sa sakit sa puso.Akala ko ay habang buhay ko na siyang kakalimutan pero totoo nga talagang talikuran ka man ng lahat,hindi ang pamilya.Itinanim ko iyon sa utak ko pero nang makita ko kung gaano naghirap ang tito ko sa paglaban sa sakit niya ay hindi ko maiwasang hilinging huwag siyang kunin sa amin.My grandparents,mom and dad already left us and I was wishing before that atleast he could live.Kahit siya nalng.

Namatay siyang matiwasay dahil sa huking hininga niya ay humingi siya sa tawad sa amin,lalo na sa akin.Nagulat pa nga akong nang will nila lola't lolo ang ibinigay sa akin ng abogado niya.Pati ang will niya na nagsasabing sa akin lahat nakapangalan iyong lahat ng mga ari-arian niya.

He doesn't have any family.He doesn't even bother getting himself a family.Ewan ko kung bakit.But when he asked for our presence during his precious time,nandoon kami.Laging nakaabang sa mga gusto niyang gawin.We spent his remaining time travelling because it was his wish.Gusto niyang bumawi sa amin.

"Mommy!!I left Dina in my room!!"Akira said bago pa man kami makalabas ng bahay.Nadoon na si Hiro sa labas na pinagbuksan na kami ng pinto pero dahil sa maktol ng anak niya ay natawa na lamang.Dali dali naming kinuha ang doll niya na ang pangalan ay Dina.Lagi niya itong dala-dala mula palang two years old siya.

Matapos naming kunin iyon ay wla akong ibang Choice kundi ang kargahin siya dahil mas lalo kaming matatagalan.

Pagkababa namin ay sinalubong kami ni Hiro at kinuha sa akin si Akira.I swiftly get myself inside the car while he let Akira sit in his lap.Ganon lagi ang posisyon ni Akira.Kahit minsan ay malikot ito habnag nagdadrive.

"Your seatbelt,sweetie."

"Oh!"tanging nautas ko at sinuot ito.Sa pagmamadali ay hindi ko na natuonan ng pansin pa iyon.

Hindi pa man kami nakakalabas ng village ay tumunog na ang cellphone ko.I answered the call immediately.

"Hello."

"Ma'am,kunti nlng po kayong hinihintay."imporma ng sekretarya ni Tito.

"We're on our way."sabi ko ditk bago binaba ang tawag.Matapos ang thirty minutes ay nakarating kami sa matayog na gusaling pag-aari ni tito.Pinagbuksan agad ako ng pintuan ng guard kaya agad akong lumabas.

Si Hiro naman at Akira ay dumeretso sa ground floor ng building para ipark ang sasakyan bago sila susunod sa akin.

Pagkapasok ko palang ay nakilala ko agad ang babaeng sumalubong sa akin.

"Nang sabihin niyo pong papunta na kayo ay bumaba po agad ako."nalangiti sabi niya.Tumango din ako at nginitian siya.

"This way po, ma'am."paggiya niya sa akin sa isang elevator na napansin kong hindi sinasakyan ng mga empleyado.Nang makita naman nila ako ay binati nila ako.

"Good morning, ma'am!"magiliw nilang bati.

"Morning."nakangiting bati ko bago kami pumasok sa elevator.Sa tingin ko'y para lamang ito sa mga importanteng tao ng kompanya.Hindi nga nagtagal ay nakarating kami sa pinakataas na palapag kung saan ang tanging nandoon lang ay ang opisina ni Tito at ang conference hall.

The CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon