CHAPTER 47:Back

308 17 10
                                    

Six years later...

"Tita!!!"dinig kong sigaw ni Basti  sa akin.Kinawayan ko sila nang makitang kumakaway din sila sa akin.

Natawa ako nang makitang may mga banner pa silang dala.Hindi ko itatangging namiss ko sila ng sobra.Ang makulit na magkaibigang Wealand at Fumiya pati si Jamie na naging katuwang namin.Hindi ko aakalaing mananatili sila sa amin kahit na umalis ako at bumalik sa Japan.
Nakita ko din ang pagpahid ni Ate sa luha niya na naakbay kay Basha na mas lalong gumanda dala ng pagdadalaga.

Nalingat ko lng ang tingin ko sa kanila dahil sa magkaibang kamay na nakahawak sa magkabilang kamay ko.

Nginitian ako ni Hiro habang sinimangutan ako ni Akira na kahit apat na taong gulang pa lng ay masyado na itong mareklamo.Kanina pa kasi siya naiinitan dahil malamig pa rin sa Japan ngayon kahit na tapos na ang December.

Natawa tuloy ako at kinarga siya.Bumungisngis siya sa ginawa ko at kumapit ng mahigpit sa leeg ko.Si Hiro naman ang nagdala ng mga gamit namin.

Masaya kaming sinalubong ng yakap ng pamilya ko.Pamilya na din ang turing ko kila Yamyam kahit na hindi namin sila kadugo.Hindi lng naman dapat kadugo mo ang isang tao para masabing kapamilya mo sila.

"Ang cute-cute."puri ni Fumiya kay Akira na nagawa pang makipag-usap sa bata ng aming lenggwahe.Tuloy ay agad silang nagkasundo at kay Fumiya na nagpakarga ang bata.Iilang kamustahan at yakapan muna ang ginawa namin bago tuluyang lumabas ng airport.

Nagkasya kaming lahat sa isang customize na van na ipinagawa ko pa galing Japan.Imbes na magsarili kami nila Hiro at Akira ng sasakyan ay mas pinili kong magsama sama nlng kaming lahat.

"Mommy, it's hot."angil ni Akira kaya dali dli ko siyang hinubadan ng jacket.Malamig pa kasi sa Japan kaya pinasuot ko sa kanya ang jacket bago ang flight namin.

"You fine now?"tanong ko matapos hubarin ang jacket niya.Ngumiti siya at hinalikan ako sa pisngi.Pinisil naman ni Kiro ang pisngi ng anak  dahil sa kacutan nito.Parehong may dimples ang magkabilang pisngi ng anak ko.Bagay na mas lalong nanaganda sa kanya.Natural din ang kulot sa dulo ng mahabang buhok niya.Singkit naman ang mga mata niya tanda na may halong Japanese ang bloodline niya.Nakuha naman niya ang matangos na ilong ng kanyang ama,bibig at pati ang may kapakalang kilay niya.Nakuha naman daw nito ang malalim at nangungusap nitong mata sa akin na tinawanan ko lng.

Bumyahe na kami at dumeretso sa village kung saan nakatayo ang bahay na pinagawa ko dalawang taon na din ang nakakaraan.Naging maayos na ang pamumuhay namin.Ang restaurant namin sa La Union ay nanatiling naroon pero mas pinalaki at mas pinaganda namin.Pinalaki ko rin ang bahay namin doon.Minsanan nlng din kung bumisita sila ate doon dahil naging abala na din siya sa malaking branch ng restaurant namin sa Maynila.Naging patok naman ito sa mga tao kaya mas nag-expand pa kami.May iilan na din kaming branch pa sa ibang lugar na ipinangalan ko ang iba kay ate.Hindi lng ang restaurant ni daddy ang pinalago namin.I even put up my own restaurant too.I studied again and became a chef.Naging sikat iyon kaya may ibang branch na din akong ipinatayo sa Japan.Sa anim na buwan ay doon natuon ang atensiyon ko,maliban sa mag-ama ko.

Nang makarating kami sa bahay namin ay hindi ko inakalang may surpresa pa palang nakahanda doon.Ang mga naging kasama namin noon sa La Union ay nandito at nakangiting sumalubong sa akin.Napuno ng saya ang puso ko dahil sa sobrang pagpapasalamat dahil hindi nila ako nakalimutan.

"Welcome back,Kiara!"

"Kumusta na?"

"Aba'y kay ganda naman nitong anak mo."

Iba't ibang sabi ng mga nandoon.Nginitian tuloy sila ni Akira kaya mas lalo nila itong pinuri.

"Salamat naman po at nandito kayong lahat.Masaya talaga akong makita kayo ulit!"masayang bati ko sa kanila.

"Namiss ka din namin eh."sabi ng isa.Nginitian ko siya at hinawakan ang kamay niya.Ang anak ko naman ay namumungay na ang mga mata dala ng pagod sa byahe kaya kinuha siya ni Hiro sa akin.Nabaling tuloy ang atensiyon nila kay Hiro.

"Sus!ang gwapo din naman pala ng asawa mo."puna ng isa naman.Nginitian lng tuloy sila ni Hiro bago ako hinalikan sa noo.

"Ihahatid ko lng si Akira sa kwarto niya.Babalik agad ako."paalam niya.Tinanguan ko siya at nagpatuloy ako sa pakikipag-usap sa mga taong kakilala.

After two hours,humupa na ang mga tao at naiwan na lamang kaming pamilya.

Hindi na naman tuloy namin maiwasan maging emosyunal sa muli naming pagkikita.

"Namiss talaga kita,kia."naiiyak namang sabi ni ate na nakahawak na sa kamay ko.Niyakap ko siya agad ng mahigpit.

"Ako din naman ate.Sorry kung minsan hindi tayo nakapag-usap.Naging busy lng ako sa mga negosyo at kila Hiro."sabi ko din dito.

Bumuwag naman ng yakap sa akin si ate at mataman akong tinitigan.

"Masaya ka ba?"may kahulugang tanong niya.Natawa tuloy ako sa kanya.

"Ate naman!may Hiro at Akira na ako.Mahal ko ang mga iyon."nakangiting sagot ko.

Napatitig muna siya sa akin bago nakangiting tumango.
Sunod namang yumakap sa akin si Basha na malaki ang itinangkad.Nanggigigil ko siyang niyakap bago niyakap din si Basti.Pareho lamang silang nakangiti sa akin.Napansin kong naging normal na ang mga kilos nila mula nang dumating kami kanina.Siguro ay dahil yon sa therapy nila.Gusto kong kahit papaano ay maging maayos sila lalo na at kaya kong ipagamot sila sa kahit na anong paraan.

"Kiara, where is my pasalubong?"singit ni Fumiya.

"Oo nga,kia.Asan din ang sa akin?"dagdag pa ni Yamyam.Tuloy ay pareho silang kinurot ni Jamie.Natawa na lng kami ni ate.

"Bukas na.Pagod na akong manghalungkat eh."sabi ko sa kanila.

"Anong pasalubong mo sa akin,Kia?"excited na tuloy na tanong ni Wealand.

"Me too,Me too!!"segunda pa ni Fumiya.

"Sabon."nanunuksong sabi ko.Bagsak ang balikat naman nilaa akong tinalikuran na larehong may binubulong bulong pa.

"Ang yaman na nga sabon lng ang ibibigay.tss."

"She's so kuripot"

Tatlo kaming natawa nila ate at Jamie dahil doon.Matapos nun ay umakyat na ako para puntahan ang mag-ama ko.

Pagkapasok ko sa kwartong nakalaan para kay Akira ay nakapatay  na ang ilaw at tanging ilaw nlng sa lampshade ang nagbibigay ng ilaw sa buong kwarto.Hindi ko din napigilan ang pagngiti ko dahil nakita kong nakadapa sa dibdib ni Hiro si Akira at parehong mahimbing nang natutulog.Napailing naman ako nang parehong suot pa din nilaa ang damit nila mula kanina.Maingat kong kinuha si Akira sa dibdib ni Hiro pero nagising ko pa rin ito.Kinusot niya ang mga singkit niyang mata bago ngumiti nang makita ako.

"I'm sorry.I fell asleep too."paumanhin niya.

"It's okay.Go wash and rest.Alam kong napagod ka din sa byahe."nakangiting utos ko dito.Tumango siya at hinalikan ako sa noo bago lumabas.Pinunasan at binihisan ko naman si Akira na hindi man lamang nagising kaya nang matapos ako ay pinanggigilan ko ang pisngi ng anak ko.Natawa tuloy ako dahil nang masawa ako ay nakasimangot na akong anak ko.Bago tuluyang lumabas ay hinalikan ko sa noo ang anak ko at kinumutan siya.

Pagkapasok ko sa kwarto namin ay narinig ko ang tunog ng tubig mula sa shower.Nasa loob pa siguro si Hiro.Ako naman ay nahiga sa kama namin at tumitig sa kisame.Hindi ko tuloy mapigilan ang paglakbay ng isip ko.Naisip ko ang mga kaibigan ko.Mula nang mangyari iyon noon ay hindi ko na nakita pa sila Wealand,Akie at Argel.Sila Franki at Diana naman ay nakakausap ko naman minsan.Hindi din nakaligtas sa isip ko ang imahe niya.Napapikit akoa at pilit na winaglit ang imahe na yon sa isip ko.

"You're thinking of him?"biglang untag ng tinig sa may paanan ko.
Nagulat man ay pinili kong kumalma.

"No."maikling tanggi ko.

"Yes you are,sweetie."

The CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon