CHAPTER 46:Parusa

283 20 2
                                    

Kiara's POV

"Tita!Tita!"tawag ni Basha sa akin na puno ng buhangin ang mukha.

Lumapit siya sa akin at ipinakita ang shells na nakita niya.Ngumiti ako sa kanya at kinurot ang pisngi niya.Binalingan ko naman si Basti na nasa tabi ko gumagawa ng sand castle.Napangiti din ako dahil halos naliligo na siya sa buhangin.Nasa dagat kami ngayon at inienjoy ang katamtamang init ng linggo.Ako ang naiwan sa dalawa habang si ate naman ang naging abala sa pamimili.Nagpumilit siyang siya na ang mamimili at magpahinga nlng daw ako.

Kakagaling ko lng mula sa pagkakasakit ko.Simula ng umuwi ako galing Maynila ay ilang araw din akong nagkasakit.Sakit ng pangangatawan at sakit ng puso.

Pilit kong iwinaksi ang unti unting pagbangon ng sakit saa akin aking puso.Simula ngayon ay kakalimutan kong may ganoong nangyari sa akin.Kakalimutan kong may Roque akong nakilala.At kakalimutan kong minahal ko siya.Hindi man ngayon pero alam kong sa tamang panahon.

Inaliw ko ang sarili ko sa pakikipaglaro sa mga pamangkin ko hanggang humahangos na dumating si Fumiya sa harap namin.

"Y-you have d-dalaw..you know,a visitor.."utal utal na wika niya.Nakaramdam agad ako ng kaba dahil doon.Kaba na baka isa sa kanila ang nandito.Iniwan ko kay Fumiya ang mga bata at kinakabahang nagtungo ako sa restaurant.Kahit na sirado iyon ay nakita ko pa din ang mga taong nandoon.Pinagsisilbihan sila ng inumin ng  mga empleyado namin.Hindi din nakaligtas sa paningin ko ang magarang kotse na nakaparada sa harap ng restaurant.

Nakilala ko agad ang mga taong nasa loob.Napabuntong hininga ako at mapait na ngumiti bago pumasok.

Tumunog ang chimes kaya napalingon sila sa gawi ko.

"kia..."pabulong na bati ni Diana.Sa gilid niya ay si Franki na malungkot ding nakatingin sa akin habang sa kaharap nilang silya ay nadoon ang kanilang ina.

Ngumiti ako sa kanila at bahagyang nadismaya dahil iba ang iniisip kong pupunta sa akin.Ang gaga mo naman ata kung hihilingin mo pang magpapakita siya sayo.

Sinalubong ako ni Tita ng yakap.Pagkatapos ay hinagkan ako.Namiss ko tuloy si mommy dahil sa ginawa niya.Hindi ko tuloy mapigilan ang pag-init ng gilid ng mga mata ko.

"Hija,I am so worried about you!Saana ay hinayaan mo man lng akong ipahatid ka."malumanay na sambit niya na kitang-kita ang awa at lungkot sa mga mata.

"Okay lang po ako,tita."sabi ko dito na pilit ipinapakita na okay lng ako.Lumapit naman si Franki sa akin at humihikbing yumakap.

"I'm so sorry,Kiara."sabi niya.Hinagod ko naman ang likod niya at pinapatahan siya.Gusto kong iwasan silang may koneksiyon sa kanila simula nang umalis ako doon.Alam kong kapag konektado pa din ako sa kanila ay hinding hindi ko siya makakalimutan.Pero ang makita sila ngayon sa harapan ko ay hindi ko magawa.

"Alam namin na iniiwasan mo kami,kia.Hindi mo nga kami sinasagot man lng.Hindi ka kasi ganoon kaya alam namin na ganoon ang ginagawa mo."singgit ni Diana.

Nahihiya ko naman silang nginitian.Sa tagal na naming magkakaibigan ay mas kilala na ata nila ang sarili ko kaysa sa akin.Hindi ko nga magawang magtago ng sekreto sa kanila dahil hindi ko pa man nabubuka ang bibig ko ay alam na nilang may tinatago ako.Paano ko naman maiiwasan ang dalawang to?

"Sorry."napayukong usal ko.Hinawakan naman nila pareho ang mga kamay ko kaya napaangat ako ng tingin sa kanila.

Pareho silang nakangiti at pareho ding may pang-uunawang makikita sa kanilang mga mata.Magkapatid nga ang dalawang to.

"It's okay.Naiintindihan naman namin."may accent pang pananagalog ni Franki kaya hindi ko mapigilang mapangiti.

"Nandito kami para magpaalam,kia.We're going back to states.After what happened,we chose to leave for your peace.Naiintindihan namin pareho na mahihirapan ka kapag nandito kami.Pero kahit nasa states kamu, don't hesitate to give us a call.Even if we know you won't do that at all.We understand that."makahulugan na dagdag naman ni Diana.

The CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon