CHAPTER 44:bawal

428 27 16
                                    

"Paano niyo nakilala ang mommy ko?"takang tanong ko dito.Wla naman akong nalaman na may beat friend si mommy.Kahit na tuwing bakasyon lng ako nakakauwi.At wla rin namang nabanggit si ate.

"We're college best friends.Pero nang makilala ng mommy ni Gino ang daddy niya doon na nagsimulang magkalamat ang pagkakaibigan namin."nakangiting kwento nito kahit na bakas ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Ayaw ng mommy mo sa daddy ni Gino para kay Celine.Hindi kasi maganda ang pakiramdam niya dito at nasabi pa nga niyang baka gamitin lng siya.Nagalit si Celine doon at inakusahang sinisiraan lang ni Keana si Alejandro sa kanya.Hindi ko nga alam kung saan ako papanig sa kanila.But one time,iginiit ni Keana na nakita niya si Alejandro kasama ang isang babae.Can you guess who that was?"

"Mommy po ni Sky?"patanong na hula ko tapos at nilingon ang magkapatid na tahimik lng na nakikinig sa mommy nila.Alam din ba nila ito?

"Yes.Kaya lng hindi naniwla si Celine.Kahit ako ay nag-isip na baka pinaglaruan lamang siya ng kanyang paningin.Sa desperasyon kasi natin minsan,gumagawa-gawa nlng ang imahinasyon natin ng kung ano-ano.Nagalit na din ako kay Keana kaya nang grumaduate kami ay hindi na kami nagkita pa.You know hija,Seeing you now reminds me of your mother.Nalaman ko nlng na wla na siya."malungkot na sabi niya at pinangilidan ng luha.

Inalo naman siya nila Diana.Natahimik ako nang marealized kong napakaliit lng pala ng mundo.Sinong mag aakalang konektado pala ako sa kanila,sa kanya.Alam niya rin ba to?

"Minsan ko lng po siyang makasama sa isang taon,tita.Sa mga grandparents ko po kasi ako nakabase.Kaya siguro kahit na magkwento si Mommy ay hindi ko pa din malalaman."di ko na din mapigilang magkwento.

Nagpahid siya ng luha at ngumiti sa akin.

"Tadhana na ata ang gumagawa ng paraan para magkita tayo.Kahit hindi man naging maayos ang pagkakaibigan namin ay mas maayos at masaya naman ang pagkakaibigan niyo nila Diana at Gino.Alam kong pareho ng nagkapatawaran sila Celine at Keana kung nasaan man sila."madamdaming sabi ng Ginang.

Napatango nlng ako doon.Hindi ko lang kasi agad maisip na sa isang bagsakan lng ay malalaman ko agad ito.

Luminga linga ako sa paligid para hanapin ang mga lalaki.Kanina pa kasi sila wla dito.Napansin naman iyon ni Diana kaya natawa siya.

"Pinapapunta kasi sila ni Daddy sa kanya.Nagbibilliard ang mga iyon.Ganoon talaga sila lage kapag nandito si Dad."imporma niya sa akin.Napangiti nlng tuloy ako.

Napatingin naman ulit ako sa mommy nila Diana nang hawakan niya ang kamay ko.Nakakunot noo ko tuloy siyang binalingan.

"Masaya akong nakilala kita at nagkakilala kayo ng mga anak ko."nangingiting sabi niya.

"Isang taon lng po kaming nagkasama ni Franki sa high school.Nakilala ko lng din po Diana dahil sa kanya.Namaintain lng po namin ang communication namin kaya nagkikita kita din po kami kapag may pagkakataon."wika ko.

Nagkwentuhan pa kami ng kung ano nang mabanggit ni Tita ang tungkol sa nangyari noong isang araw.

"By the way sweetheart,you haven't told me about what happened between you and Tiara last time.I thought you were good friends?"pang iiba ni tita sa usapan.Naging alerto naman ako dahil maski ako ay kuryoso sa anong sinabi ni Franki tungkol sa nakaraan.

"She got in my nerves,mommy.You already know how I hate liars."may iritasyong sabi ni Franki.Napailing lamang ang kapatid nitong si Diana.

"Oh sweetie!if this is about what she did years ago can you let it pass now.Gino has kiara now."pakiusap ng ginang dito.

Nagtugma tuloy ang sinabi niya sa haka haka ko.Gino and Tiara has a past.I can tell.Ngayon ko lng naconfirmed.

"So what,mom?She still deceived us.All of us.Sino naman ang mag aakalang she's a liar? She's so nice to us only to cover up her agenda."dagdag pa ni Franki.Gusto kong sumingit at magtanong.Kinakain na ako masyado ng curiosity ko.

The CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon