CHAPTER 67: Contented

414 25 13
                                    

Gino's POV

"May problema tayo boi."bungad ni Wealand saa akin.

Napaayos agad ako ng upo nang marinig ko iyon.Nakita ko ang problemadong mukha ni Wealand.Deretso siyang umupo sa harap ko at minasahe ang sariling sentido.Ngayon ko lang ulit siya nakitang ganito ka problemado kaya nakakaramdam na ako ng pagkabahala.

"Anong problema?"hindi mapigilang tanong ko.

Pagod na tumingin nman siya sa akin at malalim na bumuntong hininga.

"Yung shipment ng mga construction materials galing Singapore,nasiraan sa gitna ng dagat.At ang malala pa,may deadline tayo ngayong linggo.Kung magpapadala naman tayo ng mga tauhan para ayusin yun,mas lalong matatagalan.Malaki daw ang sira."ulat niya.

Napabuntong hininga na din ako sa sinabi niya.Sh*t really happens.Damnit!!

"Magpadala nlng tayo ng ibang barko."suhestiyon ko na agad niyang inilingan.

"Lahat ng barko natin may kanya-kanyang shipments.At saka Yung barkong nasira ang pinakamalaki.Hindi kaya yun ng ibang barko."mas bigong sabi niya.

Natahimik ako at pilit na naghahanap ng solusyon nang pumasok naman si Argel na may hawak na blueprint.Seryoso ito na mas ikinabahala ko pa.

"Boi,may mga nagreklamo tungkol sa mga tipak sa mga bahay na naibinta natin.Hindi ko alam kung anong problema pero ilang ulit kong tiningnan ang mga materials kung gumamit ba sila ng substandard o baka may binago ang team ko.Maski anong ulit ko wla akong nakitang mali."bakas na din ang pagkabahala sa boses ni Argel.

Kinukutuban ako pero ayaw kong mamintang lalo na at wala akong pruweba.

Napalingon naman siya kay Wealand na problemado din at tinanong dito kung ano ang problema.Nag-usap ang dalawa habang ako ay nanatiling tahimik.

Sigurado akong ang tatay ko ang may gawa nito.Who else?Siya lng naman ang alam kong kayang maglaro ng ganito.After what happened,I shouldn't be surprised.Nang may matanto ako ay hinugot ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon.I dialed Kiara's number.

It's possible that he attacked her too.Kinukutuban ako.

After two rings,she picked it up and answered in a cheerful voice which made me sigh in relief.

[Hey,darling.]

"Hi.Did you eat your lunch na?"wika ko sa mahinahong tono.

[I was about to.How about you?]

"After I talk to Argel and Wealand.Take care, okay?"

Kinabahan ako nang tumahimik sa kabilang linya tapos ay nakarinig ako ng kaluskos at ang mga nagmamadaling yabag.

[I'll end the call.I'm coming there]she said with finality before ending the call.Ibinaba ko ang aking cellphone at sumulyap sa mga kasama.Ang pagkabahala at pagod ay bakas sa kanilang mga mukha.Nabuhay ang panibagong galit ko sa aking ama.I now he did this.When he said he'll destroy me,I expected this.Pero kahit na inaasahan ko na ito ay hindi ko mapigilang maawa sa mga kaibigan ko.I dragged them to my mess.Sana ay hindi ko ginawa man lng.

"Alam kong pareho tayo ng iniisip,boi.Pero dapat hindi tayo magpadalos-dalos.Kailangan nating mag-ingat.Nararamdaman kong simula pa lng to."sabi ni Argel sa seryosong tono.

"At hindi lng yun,narinig ko din kay Franki na muntik ng manakawan ang isa sa malaking branch ng Forza jewelries kagabi.Mabuti nlng alerto ang mga nagbantay at agad na hinabol ang mga magnanakaw.Nakatakas nga lang."dagdag ni Wealand na mas nagpabagabag sa akin.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at tinawagan ang alam kong makakatulong sa akin.Nakamasid naman ang dalawa sa ginawa ko.

"Abuelito..."

The CEO's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon