Prologue

9K 130 24
                                    

"NO, I CAN'T TAKE ANOTHER SHOT." Umiling-iling si Rosette─mas kilalang Rose ng mga taong malapit sa kanya─at mabilis na tinabig ang basong iniaabot ni Carl sa kanyang harapan. Nakangiti ito, nang hindi niya tinanggap ang baso na may lamang alak, sumulyap ito sa iba pa nilang mga kaibigan.

She could feel all their stares. And she can't help but flinch and nag about how serious they are in teasing her to just continue to drink.

She stared at the crowd. Then laughed. Hard. Tipsy. Ayaw niya na dahil umiikot na ang paligid. Masakit na rin ang ulo niya.

Gusto niya nang ilabas ang lahat ng nasa loob ng kanyang sikmura. But her friends won't listen. Patuloy lang ang mga ito sa pagcheer sa kanya na ituloy pa ang pag-inom.

"Last na 'to, Rose, sige na." May ngiti sa mga labi ni Shai habang tinatanguan ang kaibigan. Much like urging her to just drink up.

Tumango siya. "Okay, basta last na 'to ha. I really can't take another shot anymore."

"Sure," sabi naman ni Sydney.

Mula sa boses, hindi mahihinuha kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi. But one thing's for sure, masyadong naaaliw ang mga ito habang pinagmamasdan si Rose na namumula na ang ilong dahil sa matinding kalasingan.

"Okay, fine. Akin na," Rose mumbled with a small smile.

Masaya siya na kasama ngayon ang mga kaibigan. And they are all enjoying the night! Matapos magsayaw kanina sa dance floor ng bar kung nasaan sila ngayon, paikot na silang nakaupo sa mga couches. Nakatingin sa isa't-isa at pinagpapasapasahan ang bote ng whiskey na hindi nila maubos-ubos.

At ngayon, balak ata ng mga itong ipalaklak sa kanya nang walang kamalay-malay ang lahat ng natitirang alak.

But she also wants to drink more alcohol. Perhaps, to drown all the pain and shits in her mind. Masyadong magulo ang utak niya. Mabigat ang dibdib sa samu't-saring sakit na lumulukob sa puso. At nag-uumapaw ang nararamdamang panghihinayang at pagsisi sa sarili.

Gusto niya pang uminom pero ayaw niya rin. Dahil alam niya na kinabukasan, sasalubungin siya nang matinding hang-over.

Mumurahin niya lang nang paulit-ulit ang sarili dahil sa katangahan at kabobohan niya–kagaya nang madalas niyang gawin. Higit pa roon, babalik at babalik lang din naman sa isip niya ang mga bagay at nararamdaman na gusto at pilit niyang tinatakasan.

Sinubukan niyang abutin ang baso. Tinitigan niya ito, ngumiti, at nang hahawakan niya na para kunin mula kay Carl, nagulantang siya nang biglaan itong nahulog sa sahig.

Narinig niya ang pagkabasag nito sa mga piraso. Kumalat ang alak sa makintab na sahig ng bar. "Hala, sayang ang whiskey," dismayadong saad ni Shai.

Nagtakip naman ng bibig si Sydney na ani mo ay nabigla sa nangyari. Ngunit alam ni Rose na hindi ito nabigla. Gusto pa nga ata nitong ngumisi pero pinigilan lang nito ang sarili.

Nang tingnan niya si Carl, nagkibit lang ito ng balikat. "Hindi mo kasi hinigpitan ang pagkakahawak."

"Hindi ko pa nahahawakan ang baso, Carl," seryoso niyang puna. "Sinadya mong bitiwan ang baso."

Maririnig ang inis sa boses ni Rose. Hindi niya maintindihan. Bakit biglaan na lang na nag-iba ang kilos ng mga kaibigan niya?

Kanina lang ay masaya pa silang nagkakantahan ni Sydney kasabay ng banda na nagperform sa mini-stage ng bar. At hindi niya namalayan ang mabilis na paglipas ng oras nang magsasayaw silang dalawa ni Shai sa dancefloor sa gitna ng dagat ng mga tao.

At si Carl, masyado pa itong sincere nang kamustahin siya nito kanina. Bakit... nagbago ang lahat ng mga iyon?

Lasing man ay naramdaman ni Rose na may kakaiba.

A Lover's Rose (Published Under IMMAC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon