Epilogue (2)

3.6K 52 10
                                    

E P I L O G U E – (2)
A LOVER'S ROSE

HABANG PAIKA-IKANG naglalakad ay pumara siya ng taxi. Nagpasyang puntahan ang Mama niya na hindi rin niya nakita nang mahigit isang taon.

Halos hindi makapaniwala ang Mama ni Mico nang makita ulit siya matapos ang isang taon. Mas lalong nanlaki ang mga mata nito nang mapagmasdan ang itsura niya ngayon.

"Mico! Kailan ka lang nakauwi sa Pilipinas? A-ano'ng nangyari sa 'yo at bakit puno ng pasa ang iyong mukha? Ang maleta mo nasaan?

Ngiti lang ang isinagot ni Mico sa kanyang Ina, pagkatapos magmano rito ay naupo siya sa sofa nila. Naibili niya ang Ina ng isang bahay sa isang exclusive subdivision sa siyudad. Maayos na ang lagay nito ngayon. Sinusuportahan niya rin ito, at sa awa ng Diyos ay tuluyan na itong gumaling mula sa stroke nito. Ang tanging kasama ng Mama niya ay ang kapatid nitong babae. Na halos kapareho rin ng reaksyon nito nang makita siyang nakauwi na pala sa Pilipinas.

"Kumusta kayo rito, Ma?"

Tumabi ang Mama niya sa kanya at pinakatitigan ang kanyang mukha na puno ng pasa.

"Maayos naman. Ikaw, Mico. . . ikaw ang kumusta? Ipinagulpi ka ba ni Judith matapos mong suwayin ang iniutos nila sa'yo? Aba't isang taon na ang lumipas simula noong─ "

"Nagcheck-in po muna ako sa isang hotel. Nandoon po ang mga gamit ko." Tiniis niya ang hadpi ng pumutok niyang labi para lang makasagot sa Nanay niya.

Nakasandal ang batok ni Mico sa sandalan ng sofa. Sa bawat paghinga at maliit na galaw ay ramdam niya ang sakit sa kanyang tagiliran. Nakapikit siya at ipinahinga muna ang katawan ngunit nagpaulit-ulit sa pagsagi sa kanyang isipan ang nangyari sa apartment ng pamilya ni Rose. Maging ang katotohanang wala siyang mapagkunan ng impormasyon kung saan nga ito nagpunta at bakit ito umalis ng bansa.

"Ayos ka lang ba ha, Mico?"

Hindi agad siya nagsalita. Inabot pa ng mahigit sampung minuto bago niya dahan-dahang ibinuka ang bibig. "Ma. . . hindi ko naabutan si Rose."

"Akala ko ba, hiwalay na kayo bago ka umalis ng bansa?"

Tumango si Mico.

"Ikaw ang nakipaghiwalay, hindi ba anak?"

Hindi na alintana ni Mico ang hapdi sa mga labi, mas nanaig sa dibdib niya ang bigat na nararamdaman habang iniisip si Rose. "Ang akala ko mas dakila ang pagmamahal na umalis pero bumalik. Umalis ako kasi kailangan, nakipaghiwalay ako sa kanya kasi alam kung mas makakabuti iyon para sa aming dalawa. Pero hindi ko naman siya hahayaang mahiwalay sa akin nang matagal. Babalik naman ako para sa kanya. I thought I did what's best. It was the worst decision I've ever done."

. . . baka kailangan natin ng oras. Ikaw, kailangan mo ng oras para ayusin ang relasyon mo sa mga kaibigan mo. Kailangan mo ng oras para sa sarili mo. Pasensya na. I just don't think LDR would work. Pero kung mahihintay mo ako, baka sakaling puwede pa. Ayusin muna natin ang sarili natin.

Naipikit niya ang mga mata. "Mahal ko pa rin siya."

ISANG ORAS ANG LUMIPAS nang makita ni Mico ang sariling nakaabang sa labas ng dating kompanyang pinatrabahuan. Suot ang isang itim a sombrero at casual na t-shirt and jeans, nakapamulsa siyang napasandal sa isang bench na ilang metro lang ang layo mula sa mismong bungad ng entrance ng building.

Ilang beses na siyang napapasulyap sa mga taong palabas at papasok sa kompanya ngunit hindi niya pa nakikita si Arci na siyang pakay niya rito. Maingat ang kilos niya na hindi makilala ng mga security guard. Lalo pa at alam niyang nag-AWOL siya sa kompanya.

A Lover's Rose (Published Under IMMAC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon