"You don't get to predict what happens now and what happens next. It could be that the person is a stranger to you today but for the incoming days, he could become a huge part in your life."
- N A R A R A M D A M A N -
NANATILING NAKATITIG si Rose sa pagod na mga mata ni Mico. Kahit na tila i-ilang dangkal ang distansya nila mula sa isa't-isa ay hindi iyon naging hadlang para hindi rin niya maramdaman ang pagod na nararamdaman nito.
Pakiramdam niya ay masyadong nakakadala ang pagtitig nito sa kanya. Hindi man nito sabihin kung ano ang tunay nitong nararamdaman ay malalaman niya iyon. His eyes speak for themselves. Even when he tries to hide everything with a smile, his eyes are telling the truth that he isn't fine.
"Good to hear that. Mabuti naman at nakalabas na agad ang Mama mo."
Tumango-tango siya sa naging saad ni Mico, nagbuga ng hangin pagkatapos ay ngumiti. "Mabuti nga. Ikaw... kamusta naman ang Mama mo?"
Ikaw... kamusta? Gusto niya rin sanang itanong pero pinigilan niya ang sarili.
"Nasa ospital pa rin. Matagal pa siguro bago siya makalabas. Ino-obserbahan pa siya ng mga doktor."
"I hope she's doing fine," saad ni Rose.
"She actually is," sagot ni Mico.
Tumango siya at mas nangiti. Sana ikaw rin, Mico.
Wala nang nagsalita sa kanilang dalawa. Hindi kumikilos si Mico sa kanyang harapan habang siya ay hindi natitinag sa pagtitig sa mga mata nito. Alam niyang nangungusap na ang mga mata nito noong unang mga pagkakataon pa lang na natitigan niya ito. Naiilang siya, oo, pero ngayon, matapos niya itong mas makilala pa ay napagtanto niya na baka ang tumitig sa mga mata nito ay maging isa na sa mga paborito niyang gawin.
Since when did she become this curious of someone's weaknesses and personal struggles? That even if that someone doesn't even says a single word nor even seeks for her help, she gladly obliged to let herself be drowned whenever he stares at his attentive eyes. She's letting herself get affected and pierced by his emotions. Ngayon lang siguro nangyari iyon. At kay Mico pa lang.
Lintek, Rose. Tinamaan ka na ba talaga?
"Saan na kayo maglilinis ni Arci?"
"Sa fifth floor na kami, Engineer. May naka-assign na kasi sa first at second floors," maagap na sagot ni Arci at ang nagawa niya na lang ay tumango.
"Alright. Doon sa floor namin ni Vin."
"Hindi pa ba nakukuha ang mga basura ro'n, engineer?"
"Maraming naipon na basura sa trashbin ni Vin. Sa akin ay inililigpit at itinatapon ko na naman ang lahat ng kalat bago pa maging tambakan ng mga lukot na papel ang opisina ko."
BINABASA MO ANG
A Lover's Rose (Published Under IMMAC)
ChickLitLove comes with pain and a lot more. For Rosette, loving someone would mean giving everything that she's got. She loves too much that she sometimes drags herself onto a mess, absentmindedly losing herself in the process just to have the man that her...