"One doesn't get to choose what happens to her today, or tomorrow. But I am certain I am responsible of how I should react to every mischief that might happen to me for the rest of my life."
- M A L A S -
NAALALA NIYA KUNG PAANO niya unang nakilala ang lalaking dahilan kung bakit siya umiyak, nadurog, nagsakripisyo at naging tanga ulit sa pag-ibig... sa pang-anim na beses.
Pero sa kabila ng mga iyon, sariwa rin sa isipan niya ang mamasayang pagkakataon na nakasama niya ito. Hindi niya alam kung sa paanong paraan nagawa nitong ipakita sa kanya na mahalaga siya─na importante siya. With him, she feels cherished and loved. At siguro iyon ang dahilan kung bakit niya nagawa ang isang pagkakamali.
Gusto lang naman kasi niyang sumaya.
──◎──
PAPADILIM NA ang langit ng araw na iyon nang maisipan niyang umuwi matapos niyang maglibot sa siyudad para maghanap ulit ng panibagong trabaho. Napapapikit siya at sa isip-isip ay minumura na naman ang sarili. Inis na inis siya sa nangyari sa kanya buong araw.
"Ang malas-malas ko talaga!" Inis niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa itim na handbag na dala-dala. Pinanggigilan niya iyon. "Potek!"
Pagod na siya sa kakalakad at kakahanap ng kompanya na may hiring. Kaninang tanghali pa siya patuloy sa paghahanap matapos mapurnada ang dapat ay interview niya sa isang kompanya.
Gusto niyang sakalin and isang staff ng kompanyang pinagpasahan niya ng application form last week. Just two days ago, she received a call from them saying that she could now go back to the company for the interview.
Naghanda siya ng bongga para sa interview na iyon! Pero na-hopia at umasa lang pala siya sa wala! Sino ba naman kasing staff ang magbibigay ng maling oras para sa interview? Paano naging alas dyes ang alas otso ng umaga?
'Eight am ang interview! Kagigil. Sinabi pa niyang ten o'clock ang call time!' utas niya sa isipan. Kanina niya pa ito ginagawa. Tanghali pa lang hanggang ngayon na halos pagabi na.
Pero nakakagigil naman kasi talaga. May pabilin-bilin pa ang staff na huwag siyang ma-late at kailangan 10 o'clock sharp. And yes, she was already there─hindi pa man tuluyang nag-a-alas dyes ng umaga. Nine-thirty ay nandoon na siya. Ang ending? Late pala siya ng dalawang oras. Ang masaklap ay wala na siyang chance na humabol pa. Ni hindi man lang siya binigyan ng consideration. Panay ang sorry sa kanya ng staff at nagdahilan na hindi raw ito aware na nagchange pala ng call time.
Pero siya ay hindi na maipinta ang kanyang mukha.
Nangigigigil siya kaya pumikit na lang siya at pilit na ngumiti sabay sabing, "Okay lang." Nagsisinungaling lang siya. Paano nga naman iyon magiging okay? She just lost her chance of having a new job! "Argh!"
BINABASA MO ANG
A Lover's Rose (Published Under IMMAC)
ChickLitLove comes with pain and a lot more. For Rosette, loving someone would mean giving everything that she's got. She loves too much that she sometimes drags herself onto a mess, absentmindedly losing herself in the process just to have the man that her...