Chapter 11

1.4K 35 4
                                    

"Someone who has a soft heart isn't weak. He's tough for loving the person he values most. He's among those few people who loves greatly."

- M A G K A G U S T O -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- M A G K A G U S T O -

I-ILAN NA LANG ang paroon at parito sa mga pasilyo ng ospital. Pasado alas dyes na rin ng gabi. Naririnig ni Rose ang sariling mga yabag habang naglalakad. Sa isang kamay ay dala-dala ang isang paper cup na may lamang kape na nabili niya sa vendo machine na nasa baba.

Galing siya sa hospital room ng sariling ina para kamustahin at i-check ito. Mahigit anim na oras na ang lumipas simula nang nakarating siya sa ospital pero hindi agad siya nakapunta roon dahil kinailangan niyang samahan si Mico habang hinihintay nito ang paglabas ng doctor mula sa emergency room kung nasaan ni-re-revive ang Mama nito.

Hindi naman ito nagsabi na kailangan nito ng kasama. She just felt that he needed someone to be there. Dahil kahit na hindi man nito sabihin, nang saglit niyang mahuli ang paningin nito at nakita niya na parang nangungusap ang mga mata nito, alam niya na kailangan nito ng kasama kahit sa saglit na panahon na iyon.

Hindi niya naman maitanong kung nasaan ang ibang miyembro ng pamilya nito at bakit siya lang ang nagsugod ng Mama nito sa ospital. Wala ba itong ibang kapatid? Eh, ang Tatay nito?

Ayaw niyang maramdaman nito na parang uhaw siyang makakalap ng mga impormasyon tungkol sa pribado nitong buhay. Baka maisip pa nito na masyado siyang umaasa na malapit na nga silang dalawa sa isa't-isa. Na pagkakatiwalan na siya nito at ituturing na kaibigan sa halip na isang bagong kakilala.

Natabunan agad nang mga negatibong isipin ang lahat ng mga tanong na gusto niyang hanapan ng sagot.

At para kanya, normal na ang maisip muna ang mga negatibong bagay bago iyong mga makabuluhan at malapit sa katotohanan. Which is basically the thing if someone is as pessimistic and overthinker as her. Hindi na bago para sa kanya na pangunahan at paulanan ang sarili ng iba't-ibang negatibong mga isipin. Pangamba, pag-a-alinlangan, at takot. Aaminin niya na natatakot siyang gawin ang isang bagay dahil baka siya lang din ang mapahiya sa bandang huli, kaya hindi niya na lang susubukan pa.

Nakakatakot ang ugaling iyon. Nakakaduwag.

Madalang niya lang na nakikita ang sarili na sumusugal sa isang bagay na walang kasiguradahan. Minsan lang, pero hindi naman iyon nangangahulungan na tama ang lahat ng kanyang mga naging desisyon. Marami ang puro mali. Iyon ang naging dahilan kung bakit natatakot na siyang sumugal pa dahil sa bandang huli, matatalo lang din naman siya palagi.

Pero sa oras na ito, hindi niya lubos na maintindihan ang ginagawa. She cares for him. Gusto niyang ipakita iyon kahit na walang kasiguraduhan kung ganoon din ba ito sa kanya. Sumusugal na ba siya? Saan? Naaawa siya kay Mico at ang kasalukuyan niyang ginagawa ngayon ay pagkakawanggawa; pagtulong sa taong tumulong din sa kanya.

A Lover's Rose (Published Under IMMAC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon