Afterword

3.1K 58 24
                                    

Hi! This is my last note before I finally mark ALR as completed. Well aside from gusto kong dumaldal sa inyo, gusto ko rin sabihin ang i-ilan sa mga thoughts na nasa isip ko mula sa simula at huli ng kuwentong ito.

Sa mga gustong makinig, you can scroll throughout this note and if you're not that interested, you can directly skip this part. Whatever you decide to do, thank you still.

I wrote A Lover's Rose last year (2019) for two reasons a.) I wanted to write a novel in a different point of view. Kumbaga gusto kong sumubok magsulat ng bago para sa akin. b.) I need to write a story and have it as an entry for a call of submission. Pero along the way. . . nagbago ang mga reasons na 'yan.

Noong sinusulat ko ang ALR, pinagsabay ko siya sa studies, journalism, at ipa bang kaganapan sa school. Pero medyo busy na, ramdam ko na ang stress at ang pagdami ng pimples sa mukha ko.

Halos puyat na rin ako gabi-gabi kaya hindi na ako consistent sa pagsusulat. Inakala ko na madali ko siyang matatapos pero. . . hindi pala. Kaya hindi ako nakaabot sa deadline ng submission. Burado na ang ikalawang rason, pero tinuloy ko pa rin.

This novel supposed to be just ranging from 30 - 50k words. Kumbaga short lang kumpara sa nakasanayan kong word count. Pero humaba at umabot pa ng 99k words. At hindi ko alam ang mga sunod na nangyari. Nagsulat lang ako nang nagsulat kahit walang definite na outline. Gladly, kahit natagalan, natapos ko rin siya finally.

Adult romance is a new genre to me, medyo deep at seryoso ang naging atake ko rito dahil siguro third person's point of view ang gamit at nanibago pa ako. First time kong magsulat ng ganito, though wala naman siyang mature content (spg scenes and such) adult (as in) ang characters sa story at hindi ako sigurado kung najustify ko ba sila nang maayos.

Kung sa sasakyan, parang nagpractice lang ako ng driving para malaman kung magagawa ko bang makapagmaneho sa mahabang highway at kung makakarating ba ako sa destinasyon.

Actually, ang hirap nitong tapusin. There were times when I cursed and hated myself for being not skilled enough to write this story. Basta ang alam ko gusto ko siyang isulat, bahala na kung ano'ng sabihin nila.

But I am trying to improve day by day. Kung hindi ko man nabigyan ng justice ang ALR ngayon, I just hope that some time in the future, when I can write better, I will get back to this and fix what's needed to be fixed.

This story might not be everyone's cup of tea. And this may even garner few reads or no good feedbacks, bahala na. Tanggap ko. Pero masaya akong basahin kung ano man ang pakiramdam o masasabi niyo tungkol sa storyang ito.

Bastaaa mahal ko si Roseee at sobra akong naattached sa kanyaaa <3

Salamat sa mga nagbasa hanggang dulo. Salamat na rin sa mga hindi nakaabot hanggang dito. You still made me feel motivated and inspired. Salamat sa patience at sa tiwala.

Overtime, mas lumalim ang dahilan ko kung bakit ko isinulat ang kwento ni Rose at Mico. . . at kuntento na ako na natapos ko ang kwento nila. At this point, I already feel proud and happy. I think that's enough <3

Story Ended: July 20, 2020
Exact Time: 10:39 PM

A Lover's Rose (Published Under IMMAC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon