Chapter 5

2.1K 39 6
                                    

"Perhaps we're held captivated by the adversities of life. But there is no such perfect time to turn your situation upside down. The choice is in you; if you'd start it late, or you'd start it now."

- C O I N C I D E N C E -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- C O I N C I D E N C E -

HAWAK-HAWAK SA ISANG kamay ang isang envelope na may lamang application form, dumukwang si Rose para mahalikan ang Mama niya na ngayon ay nakahiga sa hospital bed. Over-fatigue, sabi ng doctor, kaya biglaan na lang itong nahimatay. Idagdag pa ang dehydration at pamamayat dahil madalang na lang itong kumain.

Sa isip-isip ni Rose, alam niyang maaaring dahilan ng mga ito ang halos gabi-gabi nitong pag-iyak at ang ilang araw na pagtitipid nito sa sarili.

Yet she couldn't bring herself to nag on her mother. Hindi niya magawang sisihin at pagsabihan ang Mama niya dahil alam niya na maski ito ay ayaw na ring umiyak pero wala itong magawa. "Pasensya ka na anak at naabala ko pa kayo ng mga kapatid mo."

Ngumiti lang si Rose at hinaplos ang pisngi nito. "Magpalakas ka, Ma. Ayokong nakikita kang ganyan."

Tumango ito. "Susubukan ko, anak."

"Please, Ma. Para sa aming dalawa ni Chel," saad niya, mababakas ang pagmamakaawa sa mga mata.

Umusog naman ito at bahagyang gumalaw. Napagtanto niya na gusto nitong maupo. Inalalayan niya agad ito at nilagyan ng unan sa likuran.

Nang tinitigan niya ito sa mga mata ay parang nakikita niya mismo ang pagkadurog at paghihirap nito dahil sa kinahantungan ng pamilya nila. Sa mga pagkakataong iyon ay walang mintis na sumasagi sa isipan niya kung gaano kabilis magbago ang mga bagay-bagay. Kung gaano kapait ang maging sawi sa pag-ibig at kung paano nalalason ng pagmamahal ang mga taong nagmamahal. They get poisoned by their own beliefs and fantasies that love would last. But obviously, it won't. Ever.

She's a witness to that kind of mischief.

Naaalala niya ang mga gabing naririnig niya ang mga hikbi ng Mama niya habang kausap nito ang Papa nila na palaging naglalasing. Naririnig niya kung paano nagmamakaawa ang Mama nila para naman makatanggap ito ng paliwanag sa mga nakikita nitong harap-harapan panloloko at pambababae ng Papa nila.

And she would just hear her father telling their mother that the feelings were already gone–confessing to her that he doesn't love her anymore. And that everything already changed.

Kaya paulit-ulit na lang itong nagloloko at nambababae dahil wala ng halaga dito ang pagsasama nila ng Mama niya. Kahit ang katotohanang pinakasalan niya ito ay tila nawalan na ng saysay. Hanggang sa tuluyan na itong nakahanap ng iba at isang araw hindi na ito umuwi sa kanila.

Sumama na ito sa ibang babae.

Simula sa araw na iyon at maging sa araw na 'to, nadudurog at nadudurog pa rin ang Mama nila dahil sa nangyari. Life's already been cruel. Galit siya sa pang-iiwan na ginawa ng Papa nila. Maski ang Kuya nila ay harap-harapan nitong sinasabi at ipinapakita ang galit nito rito. Si Chela lang ang nananahimik pero ramdam nila na nagkikimkim din ng galit.

A Lover's Rose (Published Under IMMAC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon