Chapter 8

1.6K 39 9
                                    

"It isn't wise to judge a person through first interaction basis. Maybe he's been a badass to you the first day you met him. But, you may never know this time he might be the one lending you hands."

-  L A L A K I -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-  L A L A K I -

KINAKABAHANG napalingon si Rose sa kanyang likuran nang maramdamang may kung sino'ng sumusunod sa kanya. Pauwi na siya at kaaalis lang sa kompanya. Pero habang nasa gilid ng kalsada–naglalakad at nagpapatingin sa magkabilang gilid–hindi niya mapigilan ang kaba.

Nangingibabaw ang kaba at takot sa kanyang dibdib habang sinusubukan niyang mas bilisan pa ang paglalakad. Wala siyang kakayahang manghula o kung ano man pero base sa pagtriple ng kaba sa kanyang dibdib at sa hindi maipaliwanag na pakiramdam, sigurado siyang may sumusunod talaga sa kanya.

At sa mga oras na iyon, hindi niya na magawang makapag-isip pa ng magagandang dahilan para sundan siya ng kung sino man sa gitna ng dis-oras ng gabi.

Kung bakit pa kasi nawala ang wallet ko! Wala akong pamasahe pauwi!

Ang naaalala niya ay iniwan niya ang bag niya sa locker booth sa ground floor ng building. May laman iyong i-ilang mga gamit. Kasama na ang mumurahin niyang wallet na nabili niya lang sa tiangge dalawang taon na ang nakalipas. Luma na nga iyon pero hindi pa naman sira kaya ginagamit niya pa rin.

Ang ipinagtataka niya lang ay kung paano iyon biglaan na lang nawala sa loob ng bag niya nang wala siyang kamalay-kamalay. Iniisip niya na may kumuha. Pero sino naman?

Ayaw niyang mambintang pero isang tao lang naman ang naka-assign doon. Si Eliong. Nang sinulyapan niya ito kanina ay parang ilap at ayaw salubungin ang mga mata niya. Pero para huwag nang magkagulo pa, hindi niya na lang sinabi na nawalan siya ng wallet.

Pero hindi rin naman kasi siya sigurado kung ito ba talaga ang kumuha.

Halos umaabot sa dalawang daan ang perang natira sa wallet niyang iyon. Hindi rin naman iyon ganoon kalaki pero sapat nang pamasahe sa pang-anim na beses.

Ayos lang naman sa kanyang maglakad pauwi, iyon ay dahil akala niya na ay makakauwi siya nang maaga. Hindi niya naman kasi alam na mag-e-extend ang kompanya nang mahigit dalawang oras sa operation. At isa siya sa mga staffs na naatasang mag-over time. Mag-over time sa paglilinis sa conference room na ginamit kanina sa ginanap na meeting.

Matagal silang nakapag-out ni Arci kaya naman heto't ginabi pa siya nang tuluyan bago nakapagsimulang baktasin ang daan papuntang ospital kung saan nakaconfine ang Nanay niya. Doon ulit siya magpapalipas ng gabi para bantayan ito.

Thirty-minutes din iyon kung lalakarin. At labing-limang minuto kung sasakay ng tricycle/jeep papunta roon.

Panay pa rin ang paglingon ni Rose sa likuran habang mahigpit ang hawak sa backpack na dala-dala. Binilisan niya ang paglalakad at ganoon na lang ang pagkasindak niya nang makarinig ng ingay ng mga yabag sa kanyang likuran.

A Lover's Rose (Published Under IMMAC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon