Chapter 38

1.9K 30 0
                                    

"I wasn't the only one hiding under the shadow of cowardice. Our relationship failed because we were still too weak. I tried so hard trying to sail the ship alone, but it has to be destroyed. We had to drown to learn save ourselves."

- MAAARING DAHILAN -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- MAAARING DAHILAN -

MABILIS ANG MGA PANGYAYARI sa mga sumunod na araw. Ngunit ang mas umuukupa ng oras ni Rose ay ang kasalukuyang pinagkakaabalahan nila ni Ms. Lucille. Sa nakalipas na mga araw ay napaghandaan na nila ang pagdating ng araw na ito. Ang araw kung saan plano na nilang ibunyag ang katotohanan ng anomalya na nangyayari sa kompanya na walang sinuman ang naglakas ng loob na ibunyag.

Nang araw na nakita siya ni Vin na nakamasid sa financial department ay hindi nga ata ito nagsisinungaling nang sinabing napadaan lang ito. Hinayaan nga siya nito sa ginagawa.

Hindi siya nito pinilit na sumagot sa tanong nito. Prente itong naglakad paalis. Nakapamulsa at maayos ang tindig. Nang nakalapit na sa elevator ay sumulyap pa ito sa kanya, nagtaas ng kamay na tila ba ay nagpapaalam. Tinanguan niya ito. Sakto nang nilingon niya ulit ang bungad ng quarters ng financial department ay isa-isa nang nagsilabasan ang mga staffs. Oras na para mag-out ang mga ito.

Naghintay siya hanggang sa unti-unti nang maubos ang mga taong naroon sa loob. Nakita na niya ang paglabas ng head ng department, nakasunod rito ang assistant nito. Huling lumabas ang babaeng inilarawan ni Ms. Lucille: straight ang itim na buhok at may suot-suot na salamin. May hawak-hawak rin itong folder. Mabilis siyang lumabas mula sa pinagtataguan. Sinalubong niya ang babaeng balisa man ang mga mata ay agad siyang nakilala.

"Rosette," anito na tila ba ay kilala na siya nito. Tumango siya at ngumiti sa kanya ang babae pagkatapos ay ibinigay sa kanya ang mga dokumento na nakapaloob sa folder na dala-dala nito. "Ikaw na raw ang bahala sa mga iyan sabi ni Ms. Lucille. Nakuha ko na ang cellphone number mo galing sa kanya. Tatawagan na lang kita para sa iba pang mga detalye. Hindi tayo pwedeng mag-usap nang matagal rito sa loob ng kompanya."

Tango ang naging sagot niya rito. Ngumiti ito sa kanya pagkatapos ay nagpasalamat. Hindi sila nagsabay sa pagbaba sa elevator. Naglakad silang dalawa paalis na tila walang kung ano'ng pag-uusap ang nangyari. Magkahalong kaba at takot ang naramdaman ni Rose habang dala-dala ang folder na hindi niya pa nabubuksan, ngunit sigurado siyang mahalaga ang mga dokumento na naroon para sa plano nila Ms. Lucille.

Nang gabi ring iyon ay tiningnan niya ang mga papeles na nasa loob ng folder. Halo-halo iyon. Ngunit maayos na naka-organize na tila pinagplanuhan nang maayos. Maayos ang liquidation ng pagnanakaw na ginagawa ng mismong nakatataas ng financial department.

Ngunit ang nakaagaw sa kanyang atensyon ay ang mga official receipts ng sasakyan, properties: condominium, resorts at nakapangalan sa head at assistant ng financial department. Bukod sa mga resibong iyon ay may may credit finances rin siyang nakita na binayaran through back account. Nang kunin niya ang summation ng lahat ng mga expenses, ang total niyon ay siya mismong total ng discrepancy sa finances ng kompanya sa loob nang mahigit tatlong taon.

A Lover's Rose (Published Under IMMAC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon