Chapter 6

2K 42 13
                                    

"Some says you meet people for a good purpose. But I say, some people you meet only bring chaos to your days. And if you're unfortunate enough, they'd come to be a nuisance in your entire life. . . or so I thought."

- A R O G A N T E -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- A R O G A N T E -

IKINABIG NI ROSE pakaliwa ang tulak-tulak na cart na may mga lamang iba't-ibang gamit panlinis. Habol pa niya ang hininga at ramdam niya ang paglandas ng pawis mula sa kanyang noo papunta sa gilid ng kanyang mukha. Saglit niyang hinawakan ang kanyang balakang nang maramdamang namamanhid iyon dahil sa pagma-mop. Maski ang kanyang leeg ay nananakit din. At nangangawit ang kanyang mga balikat.

Hindi biro ang trabahong pinasukan niya.

Naipikit niya ang mga mata at napabuga ng hangin. Pagkatapos punasan ang pawis sa noo ay nagpatuloy si Rose sa pagtulak sa cart. Binibigyan ng ngiti ang i-ilang excutive staff ng firm bago siya nagpatuloy sa pag-akyat papuntang 8th floor kung nasaan ang storage room para iligpit na ang mga kagamitan na ginamit niya sa paglilinis sa ground floor kanina.

"Rosette Resuelo 'di ba?" Sumalubong sa kanya ang malaking ngiti ng isang babaeng nakasuot ng uniporme na katulad ng sa kanya. May katangkaran ito at isa rin sa mga utility staff ng kompanya. Hawak-hawak ang isang garbage bag na puno ng mga ibinasurang mga papel galing sa main office, sinabayan siya nito sa paglalakad papuntang storage room.

Tumango siya rito at ngumiti rin pabalik. "Arcilla... Roman," sambit niya sa pangalan nito. Bahagyang naging alanganin ang ngiti dahil hindi siya sigurado kung iyon nga ba ang pangalan nito. Iyon ay kung tama ang pagkakatanda niya sa mga pangalan ng mga staffs nang ipakilala siya–noong unang araw niya pa lang sa trabaho–sa mga iba pang utility staff ng kompanya.

"Um... tama ba?"

"Yup, tama. Arci na lang para 'di na masyadong mahaba," sagot nito sa kanya pagkatapos ay sinulyapan ang tulak-tulak niyang cart. "Sa storage room ang punta mo?"

Nang tumango siya ay mabilis din itong nagsalita. "Sama na ako sa'yo."

Pagkatapos nilang isauli ang mga kagamitan ay sabay rin silang bumaba papuntang ground floor para maglunch-break. May isang oras pa sila bago ulit magpatuloy sa duty na walong oras sa isang araw. At dahil natapos na ni Rose ang paglilinis sa ground floor, mamaya kasama si Arci, sa fifth floor na ang susunod nilang assigned area.

"Ilang buwan ka nang nagtatrabaho rito, Arci?"

Nilingon siya nito at saglit na nag-isip bago ito sumagot. "Taon na ako rito, Rosette."

"Rose na lang," aniya, nakangiti pa rin.

"Okay, Rose," nakangiti nitong saad pagkatapos ay nilingon siya. "Mga tatlong taon na akong janitress rito sa kompanya."

Napatango-tango si Rose. Tinitigan niya ang mukha ni Arci at sa tyansa niya, hindi nalalayo ang edad nito sa edad niya. Pero ang kaibahan nga lang, makikita ang pagod sa tindig pa lang maging sa ilalim ng mga mata nito. She could see and sense it, Arci's been in this job for quite some time now. At hindi siya ang tipong kukuwestyonin pa iyon. Alam niya kung gaano nasusubok ang kasipagan at lakas ng kanilang katawan dahil sa trabahong pinasukan nila.

A Lover's Rose (Published Under IMMAC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon