Chapter 24

1.3K 28 3
                                    

"When the pain is too overwhelming, you won't be able to distinguish what hurts most, to be lied by someone you trusted most or be loved by someone who has loved another woman other than you."

- PAG-AMIN -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- PAG-AMIN -

NAPAHIKBI SI ROSE kasabay nang pagbaba ng tingin. Napatitig siya sa kanyang mga kamay, nakakuyom iyon ngunit itinatago lamang ang panginginig. Buong puwersa niyang kinagat ang ibabang labi para huwag kumawala ang sunod-sunod niya pang mga hikbi.

Mas naikuyom niya ang mga kamao nang maramdaman ang hapdi sa labi niya. Soon, she started tasting blood. She couldn't believe she was this eager to divert the pain that she's bearing in her heart. Gusto niyang matuon sa ibang parte ng katawan niya ang sakit. Huwag lang sa puso dahil nakakapangdurog at panghihina iyon.

Parang nabingi siya dahil sa narinig na sinabi ni Mico. Nadurog ang pag-asa na pinaghirapan niyang buuin. Nadurog ang puso na buong akala niya ay mananatili nang buo ulit. Natunaw ang kasiyahan na minsan niyang naramdaman, at nalugmok dahil umasa siyang lulukob ulit iyon sa kanyang damdamin. Ang buong akala niya ay hindi na siya malulungkot at masasaktan ulit.

Ngunit nang pagkakataong iyon ay parang tumigil ang oras para lamang iparamdam sa kanya ang unti-unti pagkadurog ng sariling puso.

"Mali ang narinig mo, Rose. Magpapaliwanag ako─"

Mabilis niyang pinahiran ang kanyang mga labi. Ramdam niya na rin ang mas matinding hapdi roon. Hinugot niya lahat ng natitirang lakas ng loob mula sa sarili. Dala na rin ng sakit at galit sa panloloko ni Mico, nagawa niya ang gustong gawin.

Sinalubong niya ang paningin nito.

"Mali? Mali pa eh ang linaw-linaw ng mga 'yon, Mico! Alin ang katotohanan sa mga sinabi mo sa 'kin sa simula pa lang? A-alin doon? Putang-ina! Pinaglololoko mo lang ba ako buong pagkakataon?"

Natameme si Mico sa kanyang harapan. Hindi nakapagsalita. Maski ito ay nahihirapan din kung ano ang una nitong sasabihin o gagawin. Hahakbang ito palapit, ibubuka ang bibig pero magdadalawang isip kung magsasalita na.

Nanghihina si Rose. Nadudurog siya. Maaaring hindi literal ngunit iyon ang nararamdaman niya sa kaloob-looban niya ngayon. Mabigat ang dibdib. Pinipilipit. Nanunuyo ang lalamunan. Paunti-unting nawawalan ng lakas.

Bumalik sa isipan niya ang lahat ng sinabi ng Kuya niya. Lahat ng mga pagbabanta nito na napagtanto niyang mga paalala at babala lamang ngunit sa ibang paraan nito naipahayag.

Tangina. Mura niya sa sarili at sa nangyayari ngayon.

Mabilis na bumalik sa isipan niya ang usapan ng mga kaibigan niyang sina Sydney at Shai sa groupchat nila, ang pakikisabay ni Carl, at higit sa lahat, ang mga sinasabi ni Leira tungkol sa boyfriend nito. Ang panunukso ng mga kaibigan nila, at ang panunukso niya mismo noong bago pa lamang na ibinalita ni Leira ang tungkol sa boyfriend nito. Bumalik sa kanyang isipan lahat. At gusto niyang magsisigaw sa dahil pagiging magulo ng kanyang isipan.

A Lover's Rose (Published Under IMMAC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon