"I know that I hate myself for being too weak. I've been too dependent on my own emotions.With that, I've been depriving myself of happiness for a long time."
- SASABIHIN -
NAKAMASID SA KANYA SI ARCI habang tahimik silang kumakain. Lunch break at silang lahat ay nakaupo sa may kahabang mesa sa foodcourt. Naroon din ang ibang mga empleyado. Kapwa nakaupo sa mga mesang napili kasama ang sariling mga kaibigan na nakilala habang nagtatrabaho sa kompanya.
Kasama ngayon ni Rose ang dating mga kasamahan sa maintenance department: si Francis, Wendy, Nichole, Greg at Arci na nakasanayan niya nang makasabay magtanghalian. Kasama rin dapat nila si Mico. At habang busy sa pagkain ay mag-uusap sila tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa kompanya o sa maging mga bagay na may kinalaman sa isa't-isa kaya hindi kailanman nagiging tahimik sa mesa nila.
Sa mga oras na iyon ay kapwa nagpapakiramdaman lang ata ang lahat. Wala si Mico. At naging malapit na rin ito kina Arci kaya ramdam pati ng mga ito ang pag-iba ng atmosphere ngayong wala nang magsisimulang magbukas ng mapag-uusapan kapag katulad nitong naghahari ang katahimikan sa mesa nila.
Alam ni Rose na may ideya na ang lahat sa ginawang pagleave ni Mico, at aabot pala iyon nang mahigit tatlong buwan. Napapikit si Rose. Tatlong buwan lang pala itong mawawala bakit kailangan pa siya nitong hiwalayan?
Nagdahilan pa ito. Paulit-ulit na saad ni Rose sa isipan. Mula sa mga nangyari ay nagawa niyang makakalap ng maaaring totoong dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Mico sa kanya. Una: Siguro ay nagsawa na ito sa kaguluhan niyang dala. Ikalawa: Maaaring napagtanto nito na hindi siya karapatdapat na ipaglaban. Na maling-mali na minsan siya nitong pinili.
Nagtanong si Wendy at Nichole kay Rose tungkol kay Mico; kung ano ang maaaring dahilan ni Mico bakit ito nagleave, kung saan ito pupunta o kung ano ang mahalaga nitong aasikasuhin. Pero nang walang maisagot si Rose, at natulala lang kasabay nang panunubig ng mga mata, natahimik na ang mga kaibigan na tila ay nagkaroon na ng ideya kung ano'ng nangyari.
"Wala siyang sinabi sa akin e," nanginginig ang boses na saad ni Rose. "Pasensya na."
Matapos iyon nagpatuloy na ang iba sa pagkain. Siya naman ay nagbaba ng tingin. Pero si Arci ay panay ang baling sa kanya, naghahanap ng tiyempo para magkasalubong ang mga mata nila.
Natapos ang lunch nang hindi siya nagawang makausap ni Arci.
Nagpatuloy silang lahat sa kanilang trabaho. Kung titingnan si Rose sa kung paano siya ngumingiti sa mga staffs sa tuwing nakakasalubong niya ang mga ito, maniniwala ang mga ito kapag sinabi niyang ayos lang siya kahit hindi.
She's masking her pain with bright smiles and cheerful greetings every now and then. Pero hindi niya alam kung hanggang kailan niya ito gagawin para tuluyang mawala ang sakit sa kanyang dibdib. Maaaring araw, linggo o baka abutin ng mga buwan. God, nangangapa siya kung paano magpapatuloy pagkatapos ng nangyari. Matapos ang paghihiwalay nila ni Mico, ang pagpapahirap sa kanya ng pagkakataon sa hindi mabilang na beses, at ang pagkuwestiyon at pagsisi niya sa sarili.
BINABASA MO ANG
A Lover's Rose (Published Under IMMAC)
ChickLitLove comes with pain and a lot more. For Rosette, loving someone would mean giving everything that she's got. She loves too much that she sometimes drags herself onto a mess, absentmindedly losing herself in the process just to have the man that her...