Chapter 32

1.5K 28 1
                                    

"For the nth time, I proved to myself how weak I am. There's no point of telling people I can get through these. Honestly, I don't even know if I could still do."

- PAIN -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- PAIN -

TULALA SI ROSE HABANG nakatitig sa kawalan. Tumutulo ang mga luha sa magkabilang pisngi habang mahigpit ang pagkakahawak sa isang cup ng espresso.

Ito na ang dooms day para sa kanya. Dumating na ang araw na kailangan niyang pagsisihan ang kahangalan na ginawa. Pati na ang lahat ng mga pagkakamaling ginawa para lang maging masaya. Ang lahat-lahat.

Habang nakatitig sa kawalan ay hindi niya napigilang maupos na parang kandila, madurog na parang babasaging baso, at ang maawa sa sarili na ani mo ay tuluyan na siyang nalagutan ng hininga, Ngunit hindi na iyon bago sa kanya. Wala na siyang mapanghawakan para makakuha ng lakas. Nawala na sa kanya ang mga kaibigan. At ngayon ay iniwan siya ni Mico—iniwan siya na parang wala siyang halaga, na parang ni minsan ay hindi man lang siya naging importante para rito.

Hindi siya makapaniwala.

Sa kanyang harapan ay nakatitig si Vin sa kanya, halatang naguguluhan, halatang hindi alam kung ano'ng gagawin o sasabihin para makuha ang atensyon niya at hindi siya manatiling tulala.

"Rosette, sigurado ka bang makakatulog ka kapag uminom ka ng kape?"

Tumango siya nang hindi pa rin ito tinitingnan.

Napakibit siya ng balikat habang tumutulo pa rin ang mga luha. Ramdam niya na ang pamumugto ng mga mata maging ang panghahapdi ng mga iyon. In the past, a cup of coffee could make her feel drowsy and soon it would drag her to sleep. Ganoon ang nangyari noong college kaya hindi siya uminom nito. Bukod sa mapait iyon ay nakakatulog pa siya, hindi niya maipaliwanag kung bakit. People are supposed to feel alive whenever they take caffeinated drinks, but in Rose's case, it's otherwise.

Ngunit nangyayari lang ata iyon kapag ang iniinom niya ay ang mga kapeng nasa sachet, dahil habang sinisimsim ang espresso na nasa kanyang cup, mahigit labing limang minuto ang lumipas simula nang dumating sila sa Beau's Coffee, hindi siya dinalaw ng antok. Nanatili siyang tulala—gising na gising ang isipan, ramdam maski ang kaliit-liitang galaw ng mga daliri habang pinaglalaruan ang takip ng cup sa kapeng malapit niya nang maubos. Her senses became more active, even the pang in her chest is adding up to her awareness. Now she feels like slowly succumbing to death because she feels like dying, though she is alive. The coffee is making her feel fucking much alive.

Si Vin ay nasa kanyang harapan at sumisimsim din sa sarili nitong inumin na chocolate frappe—dahil hindi daw nito ramdam na magkape sa oras na iyon—nakamasid ito sa kanya ngunit maya't-mayang mapapasulyap sa newspaper na binabasa, na kinuha nito kanina sa maliit na rack na nasa isang gilid habang naghihintay sila sa kaniya-kaniyang orders.

Rose glanced at him. She tried to relax her breathing but the throbbing pain in her chest didn't even bother to cease.

"Kapagod masaktan 'no?"

A Lover's Rose (Published Under IMMAC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon