Chapter 35

1.7K 32 1
                                    

"I don't have any idea where I would start fixing this aching heart. But I am trying. God knows how tough these situations are already for me."

- NAPAGTANTO -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- NAPAGTANTO -

GABI NA NANG MAKAUWI si Rose sa apartment. Dala niya ang i-ilang nabiling pagkain galing sa supermarket na pinuntahan nila ni Arci. Hindi na niya dinagdagan ang mga sinabi kay Arci. Sapat na ang mga iyon para maintindihan siya nito. And she's glad for that.

Tipid na ngiti ang isinalubong niya sa kapatid na si Chela na siyang nagbukas ng pinto. Tinawag nito ang Mama nila at sinabing nakauwi na siya. Ibinigay niya rito ang mga pinamili.

Nakakunot ang noo ni Chela nang magtanong. "Okay ka lang, Ate?"

Tango ang isinagot niya rito. Dahan-dahan siyang naglakad papasok sa loob. Bagsak ang mga balikat. Matamlay at halata ang pamamaga ng mga mata. Uupo sana siya sa sofa nang makita ang bulto ng Kuya Baron niya roon.

Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin kaya ganoon din ang kanyang ginawa. Nagtuloy-tuloy siya sa maliit na kusina ng space nilang pamilya. Nakita niya roon ang Mama niya na nakangiti sa kanya.

"Pagod sa trabaho, anak?"

Umiling-iling siya sa tanong nito. Hindi siya nagsalita.

Tinitigan niya ang Mama niya bago lumapit rito. Napapikit siya nang mayakap ito at nang yakapin siya nito pabalik. "Ma." Tanging ang pagtawag sa pangalan nito ang kanyang ginawa.

Naramdaman niya ang paghaplos nito sa kanyang buhok.

"May nangyari ba, Rose?"

Napapikit siya. Naghari ulit ang sakit at pamimilipit sa kanyang dibdib. Hindi pa siya handang sabihin rito ang nangyari. Sasabihin niya pero hindi pa ngayon.

Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap dito. She held her mother firmly—trying to grasp for strength and hope that she could still make it through this predicament. Her mother's subtle touch never fails to give her the comfort that she needs at the moment. Sa gitna nang katahimikan ay hinayaan ni Rose na namnamin ang yakap ng ina. Puno iyon ng pag-intindi kahit na wala pa naman siyang sinasabi. Puno iyon ng pagmamahal kahit hindi niya pa sinasabing iyon ang gusto niyang maramdaman.

Ngunit pansamantala siyang natigilan nang marinig ang pagtawag ng Kuya Baron niya.

"Rose. . ." anito sa isang kalmadong boses. "Iyong sinasabi mong nobyo mo. Gusto ko siyang makausap."

Sunod niyang narinig ang masiglang boses ni Chela. "Papuntahin mo ulit si Kuya Mico rito, Ate! Gusto siyang makilala ni Kuya."

Dahan-dahan siyang kumawala sa yakap nilang mag-ina.

Nilingon niya ang mga kapatid na ngayon ay kapwa nakatingin sa kanya.

Walang pang-aalipusta at panghuhusga sa mga mata ng kanyang Kuya Baron. Ngayon ay may tipid na ngiti sa noon ay madalas na mariing magkalapat nitong mga labi. Hinihintay nito ang kanyang sasabihin.

A Lover's Rose (Published Under IMMAC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon