"Do beautiful things have to end? Everything seems to have their fair share of opposites. After the sunrise here comes the sunset. And after the happiness, comes sadness."
- H I N A L A -
"ALAM MO, no'ng nasa ospital pa ang Mama mo, at..." Napatigil siya saglit at sinulyapan si Mico sa kanyang tabi. Seryoso ito habang naghihintay sa maaari niyang sabihin. Napalunok siya bago nagpatuloy. "May isang beses na pumunta ako sa hospital room ng Mama mo, nakaawang ang pinto nang dumating ako pero wala ka doon. Aalis na lang sana ako kasi wala ka naman at baka mabulabog ko lang ang Mama mo. Pero bago ako nakaalis, may narinig akong nagtatalo sa loob."
"May nagtatalo?"
"May nagpuntang mag-asawa sa hospital room ng Mama mo. Galit na galit."
Napaisip si Mico, iyon ang nakuha ni Rose nang mangunot ang noo nito. Binasa nito ang mga labi at napahawak sa noo pagkatapos ay sa sentido. "That could be my parents."
Nagsalubong ang mga kilay ni Rose dahil sa narinig. "Mga magulang mo?"
"Foster parents, Rose," anito. "Si Mama Judith na nakilala mo ang totoo kong Nanay."
"How? I mean, paano iyon nangyari?" Hindi niya napigilan ang magtanong pa. Ngayon ay nagsisimula nang magkuwento si Mico. Sa nakalipas na buwan simula nang umamin silang dalawa sa isa't-isa, ngayon pa lang sila nakapag-usap ng tungkol sa pamilya nito.
"I was adopted by my Mom and Dad. Iyong sinasabi kong totoong Mama ko, she's my biological mother, single parent dahil hindi pinanagutan ng totoo kong Tatay."
"So, may iba kang pamilya at mga magulang bukod sa totoong Mama mo?"
Tumango ito.
Nasa kalagitnaan na silang dalawa ni Mico sa pag-uusap at mahigit kalahating oras na ang lumipas simula nang magsimula sila. Nakatitig sila sa payapang kalsada na nasa kanilang harapan. Nakapatay ang headlights ng sasakyan nito. Payapa ang gabi. At kung nasa labas sila ay paniguradong mararamdaman nila kung gaano na rin kalamig ang paligid.
"Maraming nagsasabi na masuwerte ang mga taong nagkakaroon ng pagkakataong matamasa ang ginhawa sa buhay sa halip na mabuhay sa hirap dahil ipinanganak lang silang mahirap."
Napaisip ng malalim si Mico habang nagsasalita. Si Rose ay nakatitig rito, napatango-tango. Kapwa silang dalawa na nakaupo sa sariling mga upuan habang nakasandal doon. Ipinapahinga ang batok sa headrest at ninanamnam ang pumapailanlang na kanta mula sa stereo ng sasakyan.
Ngayon ay seryoso ang usapan nila tungkol sa pamilya.
Though she agrees to him, she wanted him to elaborate much further. "Bakit mo nasabi?"
"Ito ba talaga ang pag-uusapan natin ngayon?"
"Ayaw mo na ba? You want to back off?" Sinusubukan ni Rose na pagaanin ang atmosphere sa gitna nilang dalawa sa pamamagitan ng pabirong pang-iinis at panunudyo rito. Ngunit nang mapansin na tipid lang na nakangiti si Mico habang mapupungay ang mga matang nakatitig sa kanya ay nagpakawala siya ng malalim na hininga.
BINABASA MO ANG
A Lover's Rose (Published Under IMMAC)
ChickLitLove comes with pain and a lot more. For Rosette, loving someone would mean giving everything that she's got. She loves too much that she sometimes drags herself onto a mess, absentmindedly losing herself in the process just to have the man that her...