"Atlast, I got the chance to be happy again. I just hope that even when the night ends, you, me, and the emotions between us – definitely won't."
- S A G I T N A N G G A B I -
HINDI PA ALAM NI ARCI ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Mico. Dahil nang nakabalik sila sa conference hall ay hindi niya na nakita ang kaibigan. Siguro ay nauna na itong umuwi. Kaya sa buong pagkakataon ay kasama niya si Mico, doon na siya nakisali sa mesa ng department nito.
Hindi naman siya nahirapan sa pagsabay sa mga kasamahan nito na halatang marami na ang naabot sa buhay. Nakisali na rin siya sa pinag-uusapan ng mga ito na tungkol sa maaaring expansion ng kompanya sa ibang bansa.
Doon ay nagawa niyang makausap ang kaibigan ni Mico na si Vin. Saglit lang dahil agad siyang inaya ni Mico na ihatid pauwi.
Nang natapos na ang event ay sabay silang naglakad ni Mico palabas.
"Hatid na kita?"
And she nodded her head without any second thoughts. They held hands all the while. Mula nang sumakay sila sa sasakyan, nagbyahe sa malawak at payapang circumferencial road, hanggang sa nagrequest siyang tumigil muna sila saglit sa isang convenience store.
Parehong walang imik si Mico at Rose habang nakatitig sa kanilang harapan. Payapa ang gabi habang sila ay nanatili sa loob ng sasakyan at pinagmamasdan lang kung paano naiilawan ng poste sa hindi kalayuan ang malapad na kalsada.
Mahigpit ang hawak ni Rose sa seatbelt na nakakabit sa katawan. Rinig nilang pareho ang tugtog mula sa stereo ng sasakyan ni Mico na kanina lang nito sinimulang patugtogin.
Nakatigil ang sasakyan sa gilid ng high way. Nang lumabas mula sa driver's si Mico ay sinundan niya nito. At kahit na mahigit kalahating oras na ang lumipas ay hindi pa rin lubos na mai-proseso ng isipan niya ang mga nangyari.
Nang nakalabas na silang dalawa ay payapa ang paligid. Hudyat na inabutan na nga sila ng dis oras ng gabi sa daan. Pero kahit na alam nilang dalawa na malalim na ang gabi, itinuloy pa rin nila ang gustong mangyari.
Kanina pa siya hindi nagsasalita, nang magtabi sila para sabay na pumasok sa loob ng convenience store, panay ang sulyap ni Mico sa kanya. Pagkatapos ay tumitig sa magkasalikop nilang mga kamay.
"Haven't you done this with anyone before?"
Mabilis lang siyang umiling.
Tumango naman ito. "Alam ko naman na may mga naging boyfriend ka na noon. Imposible naman siguro na hindi kayo nagho-holding hands? 'Di ba?"
Tumango lang si Rose pero hindi na dinagdagan ang sinabi nito.
Nagsalubong ang mga kilay ni Mico at mas pinakatitigan siya. "Nag-aalala na ako sa biglaan mong pagtahimik."
BINABASA MO ANG
A Lover's Rose (Published Under IMMAC)
ChickLitLove comes with pain and a lot more. For Rosette, loving someone would mean giving everything that she's got. She loves too much that she sometimes drags herself onto a mess, absentmindedly losing herself in the process just to have the man that her...