Love comes with pain and a lot more. For Rosette, loving someone would mean giving everything that she's got. She loves too much that she sometimes drags herself onto a mess, absentmindedly losing herself in the process just to have the man that her...
"People judge you base on what they hear, even if those are untrue. But the most aching judgement you could ever receive, are those that come from a person that's part of your own family."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
- M A H I N A -
HAPON NG SABADO NANG nailigpit na ni Rose ang mga gamit. Pinagmasdan niya ang Nanay niya habang nakaupo ito sa hospital bed. Malaki ang ngiti habang hinihimas ang buhok ng kanyang kapatid na si Chela na nakaupo rin sa tabi nito. "Ano'ng oras tayo makakalabas, anak?"
"Pwede na ngayon, Ma," sagot niya. "Pero saglit lang, may pupuntahan lang ako. Dito muna kayo tapos pagbalik ko, pwede na tayong lumabas ng ospital at umuwi sa apartment."
Tumango ang Nanay niya. Inayos niya naman sa pagkakalagay ang mga nailigpit na nilang mga gamit sa isang gilid bago niya inayos ang sarili.
"Pupuntahan mo iyong katrabaho mo na nagbabantay rin sa Nanay niya rito sa ospital?"
"Opo." Iyon nga ang gagawin niya. Saglit siyang natigilan nang maisip ang dahilan kung bakit niya iyon gagawin o kung dapat niya ba iyong gawin. Sasabihin lang naman niya kay Mico na makakalabas na ang Nanay niya.
Naisip niya kasi na baka magtaka ito kapag biglaan na lang siyang hindi magpakita. It won't hurt if she would tell him that her mother was already discharged.
Uuwi na sila, at sana makalabas na din ang Mama ni Mico sa ospital. Pero alam niya na mukhang matagal pa iyon dahil kailangan pa nitong magpatherapy para subukang makapaglakad ulit pagkatapos mastroke.
Mabilis siyang nakarating sa hospital room ng Mama ni Mico. Nangunot ang kanyang noo nang nakitang nakaawang ang pinto sapat na para makita niya ang loob ng hospital room.
Isang lalaki at isang babae ang nakita niyang nakatayo sa harapan ng Mama ni Mico na nakahiga sa hospital bed. Mag-asawa ata. Hindi niya alam. Pero base sa nakikita niya ay may kung ano'ng tensyon sa gitna ng mga taong naroon sa loob.
Nanatili siyang nasa labas ng pinto habang nakasilip pa rin. Alam niya na hindi niya dapat iyon ginagawa pero hindi niya napigilan ang sarili lalo na nang makita at marinig mismo kung paano sinigawan ng babae ang Nanay ni Mico.
"Ano pa ba ang kailangan mo sa anak namin, Judith?! Hinuhuthutan mo na siya ng pera! At ngayon siya pa ang pinagbabantay mo ngayong nasa ospital ka!" May diin ang boses ng babae. Pormal ang tindig at sopistikada ang pananamit. Nang matitigan niya ito nang maayos, kitang-kita niya ang mamahaling alahas na nakapalibit sa leeg nito at sa palapulsuhan. Pero hindi doon natuon ang pansin ni Rose.
Malinaw sa kanyang pandinig ang mga sinabi nito. Mas lalong nangunot ang kanyang noo. Sa tingin niya, si Mico ang pinag-uusapan. Pero bakit nito tinawag na anak si Mico? Hindi ba ang Mama ni Mico ay ang nakaconfine ngayon sa ospital at siyang nakahiga ngayon sa hospital bed?