Chapter 39

2K 33 5
                                    

 "In life, there would be things that won't ever be fixed. Such things are meant to be accepted the way they already are."

- PAGHIHILOM -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- PAGHIHILOM -

SA MGA SUMUNOD NA ARAW, hindi lang ata si Rose ang may alam na sa balitang buong pagkakataon ay nag-AWOL pala si Mico. Oras ng pag-out ng mga empleyado, si Vin ay nakaabang sa kanya sa mismong labasan ng building para makausap siya nang maayos.

"Rose, hindi nagleave si Mico. Umalis talaga siya at wala na atang planong bumalik." Sinabayan siya nito sa kanyang paglalakad palabas ng building.

Napahawak siya sa suot na cardigan na nalipad ng hangin ang laylayan. Through time, she's learned to appreciate these types of clothes. Mas komportable na siyang lumabas nang may suot na over-coat o cardigan. Sa mga okasyon din ay hindi na siya madalas na nagsusuot ng spaghetti straps o backless dresses kung hindi naman appropriate sa okasyon na kailangan niyang daluhan. Lalo na sa trabaho, nagbibihis siya nang naaayon sa dapat niyang isuot. Now, she's dressed as a sophisticated corporate employee.

Simple lang, iyon ang saad ni Miss Lucille. Pero sa paraan kung paano iyon dalhin ni Rose ay nagsusumigaw iyon ng dignidad at respeto na alam niyang hindi niya dapat hinihingi. Dahil kusa iyong ibinibigay sa mga taong nararapat lamang irespeto. And she is trying her best to change for the better to deserve the respect people are already giving her since she started to side with the truth.

She smiled at the sight of a man who stood in front of her with worry in his eyes. Tumango-tango si Rose at tinapik ito sa balikat. Hindi nanginig ang boses niya nang magsalita. "Kung ganoon nga, wala na tayong magagawa, Architect Vin."

Hearing Mico's name escape her lips brought a sting in her heart. Pero wala siyang balak na bawiin ang sinabi kay Vin. Iyon ang dapat niyang sabihin dahil iyon ang nasa isip niya.

Unti-unti na siyang natututo, una ay huwag ipagpilitan ang mga emosyon na alam niyang walang maidudulot na maganda. Hindi niya tatakbuhan ang mga emosyon na iyon, pero hindi niya rin hahayaang balutin siya nito kung hindi naman iyon magsasa-ayos sa mga sitwasyon. She has learned to control her emotions. Ramdam niyang kailangan niya iyong gawin. Hindi na siya magiging mahina. And it felt great, she felt free, now uncaged from being enslave of her own emotions.

She wouldn't say she has finally moved on with her relationship with Mico. She wouldn't say she's still stuck with it either. But she is definitely healing, she's healing herself, and this is the kind of healing she wished she has gone through years earlier.

But there's no point on regretting the things that had been done and those that hadn't been accomplished. She has all her life to do the things that she wished to do; to learn from the mistakes she had done. She has all her life to chase her dreams!

Napalingon si Rose sa mga taong nakakasabay sa paglalakad. Napangiti siya nang makita sa malapitan ang mga taong katulad niya ay napagtagumpayan rin ang araw na ito. May kanya-kanyang ginagawa ang mga ito at may mga dapat na gawin katulad niya. And if one of those people did nothing else other than survive the day then there's nothing wrong with it. Atleast, she is surviving—she keeps on moving forward.

A Lover's Rose (Published Under IMMAC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon