"After all that I've been through, the idea of being happy again is too compelling that I ended up hurting people close to me just so I could be happy once again."
- TRUTH BE TOLD -
HINDI KAILANMAN mawala sa isipan ni Rose ang ipinangako ni Mico na magkasama nilang sasalubungin ang bagong taon sa isa sa mga tagong resort ng siyudad. Umasa siya sa sinabi nito. Dahil iyon na lang naman ang kanyang magagawa—ang umasa, ang maghintay. Hindi siya puwedeng magdemand ng kung anuman mula rito. Marahil ay maaari niya iyong gawin ngunit ayaw niya nang pasobrahan ang kahihiyan na kanyang nararamdaman.
Sa ngayon ay ang magpasalamat na lamang sa magagandang mangyayari ang gusto niyang gawin. At kasabay noon ang kagustuhan niyang ayusin ang buhay niya sa pamamagitan nang: pagbibigay ng tulong sa Mama niya at kay Chela, pag-iipon sa banko, at pag-ayos sa sarili.
Ang dating kulay ash gray na buhok ay pinakulayan niya ng itim. Sa tingin niya, ang buhok niya na ginawa niyang ganoon ang kulay simula nang grumaduate sila sa college ang naging dahilan para maniwala ang ibang tao na talagang siya ang tipo ng tao na nagloloko lang sa buhay.
Pero ano bang mali sa kulay ng buhok niya? It suits her personality well. Pero ngayong maaari siyang maging sentro ng usap-usapan, gusto niya na lang iyong paghandaan. She has to look like a decent woman for Mico and his family too. Baka naman ay hindi na siya mahusgahan ng iba kung aayusin niya na ang sarili.
Matapos pakulayan ng itim na dye ang kanyang buhok at paiklian nang kaunti, nagpatuloy na ulit siya sa paghihintay sa confirmation ni Mico kung tuloy ba ang lakad nilang dalawa ngayong magbabagong taon na. Desyembre trenta uno, alas kuatro ng hapon, ngunit hindi pa rin ito tumatawag.
Ang totoo ay puwede namang siya na lang ang magtanong kung tuloy ba sila. Ngunit ayaw niyang magmukhang nagkukumahog na makasama ito, kahit na iyon naman talaga ang gusto niyang mangyari.
Kaya naghintay siya sa tawag nito na wala namang kasiguraduhan. Ironically, ganoon siya katatag pagdating kay Mico, dahil kahit na naghintay siya sa wala ay hindi pa rin niya kayang magalit rito.
Tama. Naghintay siya sa wala dahil hindi ito tumawag gaya ng inaasahan.
Nasaktan siya, Rose. Pero hanggang doon na lang iyon. Ayaw niyang magalit. Dahil sinusubukan niya itong intindihin. Iniintindi niya kung gaano kahirap ang sitwasyon nila ngayon. Kung hindi iyon madali para sa kanya ay ganoon din para kay Mico.
Sinalubong niya ang bagong taon sa labas ng bahay nila. Kasama ang Mama niya, si Chel at ang Kuya niya na hindi niya pa rin kinakausap. Hindi pa rin siya nito kinikibo simula nang umuwi ito. Kaswal lang ito kung may gusto man iutos sa kanya lalo na noong nagluluto silang pamilya sa kusina sa loob ng apartment.
"Happy New Year!"
Umingay ang paligid. Lumiwanag ang kalangitan at nagpakitanggilas ang iba't-ibang kulay ng fireworks sa langit. Napatingala silang lahat na mga nakamasid. Hindi na rin masamang nagdesisyon siyang lumabas. Nakinood na rin silang pamilya at nakisaya na sa iba pa nilang kapitbahay.
BINABASA MO ANG
A Lover's Rose (Published Under IMMAC)
ChickLitLove comes with pain and a lot more. For Rosette, loving someone would mean giving everything that she's got. She loves too much that she sometimes drags herself onto a mess, absentmindedly losing herself in the process just to have the man that her...