"Anyone shouldn't judge a person by her struggles and mischief, for everyone of us deserves a chance at love, life and success despite all the things we've been through."
- N A G U G U L U H A N -
"KINABAHAN PA AKO at baka hindi ka makasali sa event dahil hindi kita nasabihan agad." Nawala ang pukos niya kay Mico na papalapit at muli siyang napaupo sa upuan nang marinig niya ang boses ni Arci. Ngayon ay siya na ang binalingan nito para kausapin. Natapos na ito sa pagdaldal sa iba pa nilang mga kasama sa mesa. "Buti na lang talaga," tila nakahinga ito nang maluwag.
Binalingan ito ni Rose, "Hindi, ayos lang. Hindi ko lang in-expect na may ganitong event ang kompanya," aniya, sa kabila nang hindi pagtuloy sa balak gawin, sibukan niyang ituon ang atensyon kay Arci na ngayo'y kausap.
Iniwas niya ang paningin mula kay Mico. Tumigil ito sa paglapit sa kanya at muling bumalik sa mesang kung saan ito naroon kanina. Pero ramdam niya ang pagsilay ng kaba sa kanyang dibdib habang pilit na itinutuon ang buong atensyon sa kaibigan na ngayon ay siya naman ang dinadaldal.
"Every year ito, Rose."
Tumango-tango siya. Pinagpatuloy naman agad ni Arci ang sinasabi. "Magandang pagkakataon din para mas magkakilala ang iba pang mga empleyado ng kompanya at para mas magkaroon sila ng pagkakataong makausap o makahalubilo ang isa't-isa kahit na hindi tungkol sa trabaho ang pag-uusapan."
"Ito 'yong sariling version ng isa sa mga team building activities ng Severo Land Corporation," nakangiting dagdag ni Nichole sa mga sinasabi ni Arci. Tahimik na nakaupo si Francis sa tabi nito at tumango rin.
"May party mamaya pagkatapos ng program. Sayaw tayong anim sa dance floor," sabi ni Wendy.
"Walang dapat malasing," seryosong saad ni Greg sa gitna ng pag-uusap nila. "Lalo ka na, Arci."
Natawa sina Nichole at Wendy dahil sa naging saad nito.
Nalukot naman ang mukha ng kaibigan niya. "Hindi porket head ka ng department natin ay pagbabawalan mo na kaming gawin ang gusto naming gawin. Gusto naming sulitin ang gabing 'to. Alam naman nating lahat na isang gabi lang sa isang taon na may paganitong pakulo ang kompanya 'no."
Nagpapalit-palit ang paningin niya sa kaibigan at sa head ng department nila na si Greg na seryosong tinitigan ang kaibigan niya.
Pansin niya lang na may dating pa rin ito kahit na simple lang ang suot nito ngayon. Nanatili ang titig nito kay Arci. "Alam natin kung gaano ka kagulo at kaingay kapag nalasing na."
Binalingan niya ang kaibigan niya at pabiro itong sinundot sa tagiliran. "May hindi ba ako nalalaman?"
Sa halip na sumagot sa tanong niya ay nag-iwas lang ito ng tingin, nakalukot pa rin ang mukha.
Hindi tuloy napigilan ni Rose na isipin na maaaring bagay ang dalawa kung sakali. Halos hindi nalalayo ang edad ng mga ito. Ang alam niya ay single mom si Arci. At wala itong kasalukuyang boyfriend. Hindi niya lang alam kung may girlfriend itong si Greg...
BINABASA MO ANG
A Lover's Rose (Published Under IMMAC)
ChickLitLove comes with pain and a lot more. For Rosette, loving someone would mean giving everything that she's got. She loves too much that she sometimes drags herself onto a mess, absentmindedly losing herself in the process just to have the man that her...