Chapter 30

1.6K 26 2
                                    

"I was once clouded with doubts and uncertainties. I thought those have finally come to its end, turned out it was only the beginning of letting me realize how hopeful I had become."

- MAPANAKIT -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- MAPANAKIT -

ANG TOTOO, itinatago lang ni Rose ang takot sa dibdib. Baka umaasa lang siya na magiging masaya ang gabing ito. Dahil iyon ang pakiramdam niya, iyong ang sa tingin niya ang mangyayari. Pero. . . limang buwan na ang nakakalipas. Hindi niya mapigilang isipin na baka nawala na ang galit ng mga kaibigan niya.

Baka nakalimutan na ng mga ito ang nangyari. Baka tinatanggap na ulit siya ng mga ito.

Nang makita ang mga ito na papasok na ng bar ay agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa isa sa mga bar stools malapit sa may bar counter. Nakita niyang papasok ang nauunang si Sydney, sumunod si Shai at panghuli ay si Carl. May kung ano'ng lumubog sa puso niya nang makitang wala si Leira.

"Hi, Rose!" bati ni Sydney. Awkward ang naging pagngiti niya rito. Lalo na nang makitang ngumiti rin si Shai sa kanya. At tinanguan siya ni Carl. Nanubig ang kanyang mga mata. Ito na ba ang hudyat na magagawa niya nang makahingi ng tawad sa mga ito at bumalik na ang lahat sa dati?

Napangiti siya, pinuno ng hangin ang dibdib bago siya bumati sa mga ito pabalik.

──◎──

"NO, I CAN'T take another shot." Umiling-iling siya at mabilis na tinabig ang basong inaabot ni Carl sa kanyang harapan. Nakangiti ito, nang hindi niya tinanggap ang baso na may lamang alak, sumulyap ito sa iba pa nilang mga kaibigan.

She could feel all their stares. And she can't help but flinch and nag about how serious they are in teasing her to just continue to drink.

She stared at the crowd. Then laughed. Hard. Tipsy. Ayaw niya na dahil umiikot na ang paligid. Masakit na rin ang ulo niya. Gusto niya nang ilabas ang lahat ng nasa loob ng kanyang sikmura. But her friends won't listen. Patuloy lang ang mga ito sa pagcheer sa kanya na ituloy pa ang pag-inom.

"Last na 'to, Rose, sige na." May ngiti sa mga labi ni Shai habang tinatanguan ang kaibigan. Much like urging her to just drink up.

Tumango siya. "Okay, basta last na 'to ha. I really can't take another shot anymore."

"Sure," sabi naman ni Sydney.

Mula sa boses, hindi mahihinuha kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi. But one thing's for sure, masyadong naaaliw ang mga ito habang pinagmamasdan si Rose na namumula na ang ilong dahil sa matinding kalasingan.

"Okay, fine. Akin na," Rose mumbled with a small smile.

Masaya siya na kasama ngayon ang mga kaibigan. And they are all enjoying the night! Matapos magsayaw kanina sa dance floor ng bar kung nasaan sila ngayon, paikot na silang nakaupo sa mga couches. Nakatingin sa isa't-isa at pinagpapasapasahan ang bote ng whiskey na hindi nila maubos-ubos.

A Lover's Rose (Published Under IMMAC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon