Chapter 18

1.2K 34 6
                                    

"When you've tasted the bittersweet aroma of love and brokenness; heartbreaks and erratic heart beats; promises and false hopes, it would be hard to risk your heart to someone again. But you must be braver to try once more, for the very least."

- A A M I N I N -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- A A M I N I N -

ALAM NIYA NA HINDI SIYA LASING. Sigurado rin siya na hindi gawa-gawa ng isipan niya ang lahat ng narinig. Sa Mico ay nakapirmi sa kanyang harapan. Kailangan ba niyang magsalita? Ano naman ang sasabihin niya?

Napalunok siya at napatitig rito. "Mico. . . hind─" Nahinto siya sa pagsasalita nang umalingaw-ngaw ang malakas na pagsabog sa banda kung saan nakapwesto ang mga sound equipment.

"Shit," mariin na saad ni Mico sa kanyang harapan at mabilis siyang hinawakan sa palapulsuhan. Hinila siya nito palapit. Namatay ang mga ilaw. Napapikit si Rose at hindi malaman kung ano'ng gagawin.

Ramdam niya ang pagyakap ni Mico sa kanya. "Huwag ka munang maglikot."

Tumango siya. Dahil sa takot at kaba na nararamdaman, hindi niya napigilan na mas ipagsiksikan pa ang sarili rito. Lumapat ang kanyang palad sa dibdib nito.

Ilang minuto pa nang bumalik ang ilaw pati na rin ang tugtog mula sa speakers. "We're sorry for the inconvenience, it was only a minimal problem with the circuit breaker. Everyone has nothing to worry," paliwanag ng emcee.

Saglit na nag-ingay ang mga naroon sa conference hall pero makalipas ang ilang minuto ay unti-unti na ring bumabalik ang lahat sa dati.

Napansin ni Rose na nakayakap pa rin si Mico sa kanya. Napatingala siya rito, nakalapat pa rin ang kanyang palad sa dibdib nito.

"It seems great holding you—being this close. . . to you."

Nang tumitig si Rose sa mga mata ni Mico ay naroon na ang mga emosyon na alam niyang hindi nito dinadaya. Alam niya mula sa pagtitig nito sa kanya. Alam niya. At nanghihina ang kanyang mga tuhod. Nanlalambot ang kanyang puso.

Gusto niyang sabihin dito na siguro ay magkapareho sila nang nararamdaman. Kung iniisip nito na sana ay manatili na lang sila sa ganoong posisyon, pareho ang tumatakbo sa kanilang isipan. Iyon din ang iniisip niya ngayon. Iyon din ang gusto niyang mangyari.

But she's somehow terrified of where would her emotions and desires lead her to. Nakakatakot na maramdaman ulit kung gaano kasayang mahulog sa taong kaya kang saluhin, dahil hindi ka sigurado kung hanggang kailan lang iyon magtatagal.

She's the kind of woman who tends to dwell herself onto loving someone deeply. Kapag nahulog siya, nahulog siya at hindi niya na kayang pigilan pa ang sarili. She might even doom herself onto going beyond the abyss just so she could be with someone she truly loves. Handa siyang sumali sa giyera para lang ipaglaban ang taong mahal niya. . . kung ganoon din siya nito kamahal.

A Lover's Rose (Published Under IMMAC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon