"Emotions may have varying intensities but could those be basis of how intensely you care for someone? Maybe, yes. . . maybe not."
- E M O S Y O N -
MARIIN NA IBINAON ni Rose ang mukha sa sariling unan na ngayon ay basang-basa na ng luha dahil sa ilang oras niyang pag-iyak. Gusto niyang magsisigaw. Nangangati ang mga kamay niyang humanap ng mga babasaging baso at pinggang ibabato sa dingding o sa sahig.
Gusto niyang makarinig ng ibang bagay na nababasag dahil pagod na siyang marinig ang sariling mga hikbi. Nakakapanghinang maramdamdaman ang pagkayurak at pagkabasag ng saliri niyang pagkatao dahil sa panghuhusga ng sarili niyang kadugo.
She doesn't deserve to receive that kind of judgement from her own brother.
Kung i-ra-rank niya ang lahat ng masasakit na salitang nasabi na nito sa kanya, iyon na ang pinakamalala at pinakamasakit.
Bumangon siya mula sa pagkakahiga at inabot ang cellphone na nasa tabi. Nakita niya ang i-ilang missed calls at mga text messages mula sa mga kaibigan na kanila pa siya kinokontak para sa gala nila ngayong gabi.
Birthday ni Carl, at kahit na wala ito sa bansa ay ayaw pa rin itong palampasin na i-celebrate ng mga kaibigan niya. Maging siya rin naman. She already left a private message to Carl, greeting him a happy birthday and sending other speeches she ought to tell to her friends sa mga okasyon na katulad nito.
Simula alas syete ng gabi hanggang eight-thirty, paulit-ulit na siyang tinawagan ng mga kaibigan para papuntahin sa bar kung nasaan ang mga ito ngayon. Sinabi niya na hindi siya makakapunta, plano niya naman na talagang umalis nang makarating sa apartment pero nagkasagutan siya at ng Kuya Baron niya.
Umabot nang mahigit isang oras ang naging sagutan nila at natigil lang nang umiyak na ang Mama nila sa harapan nila mismo.
Hindi sila nagka-ayos o nakapag-usap man lang nang matino. Basta na lang siyang pumasok sa kwarto niya at doon na nagmukmok. Kahit na ilang oras na ang lumipas ay mabigat pa rin ang loob niya. Mas lalo lang sigurong nagpatindi sa nararamdaman niya ang pag-iyak at ang pag-amin na nasasaktan siya sa nangyayari.
Malamig ang simoy ng hangin nang lumabas si Rose ng apartment. Dala-dala ang itim na maliit na hand bag at phone sa isang kamay, niyakap niya ang sarili at bahagyang nagsisi kung bakit siya nagsuot ng sleeveless top at skater skirt gayong gabing-gabi na at malamig sa labas.
Alangan namang mang-long sleeves ako, e sa bar ako pupunta.
Ipinagkibit niya na lang ng balikat ang lamig. Nagpatuloy siya sa pagbaba mula sa ikalawang palapag ng apartment. Iniisip na kapag nakita niya na ang mga kaibigan, may pagsasabihan na siya, at sana mawala na ang bigat sa kanyang dibdib.
Nasa gilid ng kalsada si Rose habang nag-aabang ng tricycle nang sumagi sa isipan ang isang taong hindi niya dapat iniisip sa mga oras na ito.
Mico.
BINABASA MO ANG
A Lover's Rose (Published Under IMMAC)
ChickLitLove comes with pain and a lot more. For Rosette, loving someone would mean giving everything that she's got. She loves too much that she sometimes drags herself onto a mess, absentmindedly losing herself in the process just to have the man that her...