Chapter 20

1.5K 29 1
                                    

"Everything seems to be turning out well. I hope this lasts."

- H I N D I  M A I N T I N D I H A N -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- H I N D I  M A I N T I N D I H A N -

PAKIRAMDAM NI ROSE ay maayos na ang mga bagay. Kontento na siya sa kung paano lumilipas ang mga araw, hanggang sa umabot na iyon ng linggo at umabot ng buwan. Mico never fails to make her feel admired every chance he gets. Hindi na nga alam ni Rose kung paano niya pa pipigilan ang sariling mapangiti at mamula sa tuwing sinasalubong si Mico sa mismong entrance ng building at aabutan siya nito ng isang stalk ng red rose.

Bukod doon ay sabay silang nag-a-out sa trabaho. Mag-uusap nang mahigit ilang minuto sa loob ng sasakyan at ihahatid siya nito pauwi.

She already reported as the new assistant of the company's HR manager—Miss Lucille. At kahit na hindi na naman sila magkapareho ng department ni Arci ay sabay pa rin silang kumakain tuwing lunch breaks. Nakikita niya rin si Greg at ang iba pa niyang mga katrabaho noong nasa maintenance department pa lamang siya. Sa tuwing nakakasalubong niya ang mga ito, kitang-kita niya na masaya rin ang mga ito sa natanggap niyang promotion.

Sa ngayon ay wala nang gustong hilingin si Rose. Ayos na sa kanya kahit wala nang magreply sa mga application forms na ipinasa niya online. She's already contented with what she has at the moment. With Mico and her new found friends at her side.

"Hindi mo naman siguro ako makakalimutang tawagan kapag nabuksan mo na 'yang bagong cell phone mo hindi ba?" nagbibirong saad ni Mico at sinulyapan ang paper bag na may lamang cell phone na ngayon niya lang nabili. Dahil bukod sa masyado siyang nagfocus sa kaganapan sa buhay niya, ayaw rin niyang basta-bastang magwaldas ng pera dahil hindi pa siya nakakapag-ipon.

"Baka nasanay ka nang walang cell phone. Manibago ka at hindi mo alam kung sino ang una mong tatawagan. Hindi ko pa naman narinig ang boses mo sa kabilang linya."

Napairap siya habang natatawa sa naging saad nito. "Seriously, Mico?" Napailing-iling pa siya dahil sa inasta nito sa kanyang harapan.

Napahalakhak naman ito at tumitig sa kanya pagkuway mabilis siyang ninakawan ng isang mabilis na halik sa labi. "Alam mo namang biro lang 'yon, Miss overthinker."

Napasandal na lang siya sa passenger's seat at hinawakan ang seat belts na nakakabit pa rin sa katawan niya, kahit na nakarating na naman silang dalawa ni Mico sa labas ng apartment, alam niya na kailangan niya nang bumaba.

"Basta, tawagan mo agad ako. I'd be really glad hearing your annoying voice over and over again."

"I'm taking that as a compliment," nakangiti naman niyang saad.

"Great idea," sagot nito sa kanya bago ito dumukwang para magawa siyang halikan, ngayon ay sa kaliwa niyang pisngi. "Sige na."

Tumango siya at sinunod ang sinabi nito. Tinanggal niya ang suot-suot niyang seat belts at hinawakan na ang pinto ng passenger's seat. Marahan niya iyong itinulak at tuluyan nang lumabas ng sasakyan. Tumango siya, tumalikod bago nagsimulang maglakad papunta sa apartment nila.

A Lover's Rose (Published Under IMMAC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon