Chapter 21

1.2K 35 0
                                    

"Am I too old to still feel giddy whenever he puts effort just to see me? I am no teenager at this point. But surely, I am a woman who's definitely in love."

- M A K A K A I N T I N D I -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- M A K A K A I N T I N D I -

HINDI KAILANMAN NAGKAROON ng ideya si Rose kung sino ang boyfriend ni Leira. Pero alam niya na may boyfriend ito. Kung bibilangin niya ang buwan simula noong nagtanong siya kay Leira, umabot na iyon ng mahigit pitong buwan.

Matagal na. At hindi niya inakala na ngayon, sa mismong gabing ito lamang niya malalaman kung sino ang lalaking tinutukoy ng kaibigan niya na boyfriend nito.

Baka may pinsan si Mico.

Napalunok siya dahil sa panibagong lumandas sa isipan. God, it has to be a different person. Hindi pwedeng si Mico talaga iyon.

Tumagilid siya mula sa pagkakahiga nang nakatihaya. Ginamit niyang unan ang kaliwang braso bago siya nagtipa ng message para sa mga kaibigan na matagal na naghintay sa pagpaparamdam niya.

What's up, guys! Nag-alala ata kayo sa pananahimik ko ah. No need to worry though. The past months were tough but I'm definitely fine.

Walang online ni isa sa mga ito. Kaya sa halip na maghintay, alam niyang hindi niya naman iyon magagawa dahil patuloy ang pagdami ng mga tanong sa kanyang isipan, naglog-out siya sa facebook nang hindi pa tinitingnan ang kanyang mga notifications.

Huminga siya nang malalim bago tinawagan si Mico.

"You called. Akala ko hindi ka na tatawag, stubborn woman."

Hindi niya namalayan na kusang gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. His voice. Shit. She only heard his voice and yet she can already feel strange rush of emotions in her entire being. Erratic heartbeats. Anticipation. Somersaulting stomach. She badly wants to hug him right now.

Tatanungin niya ba ito tungkol sa gumugulo sa isip niya? Paano kung magtaka ito dahil bigla-bigla na lang siyang nagtatanong tungkol sa kung ano man? But Arci did tell her back then that Mico was single. Malinaw ang pagkakarinig niya. Wala daw sabit ang binata.

Nagiging paranoid lang ata siya.

Binasa niya ang mga labi. Maybe, I'm really just overthinking.

Nakarinig siya ng mahinang kaluskos sa kabilang linya bago niya ulit narinig ang boses ni Mico. "Ano na'ng ginagawa mo ngayon?"

"Nakahiga na. Wala na akong ginagawa."

"Great. Kamusta ang duty mo kanina?"

"Maayos naman sa office. Sina Arci madalas ko pa rin na nakakausap lalo na kapag sa floor namin siya naka-assign. Ikaw kamusta sa site?"

Naghintay siya sa magiging sagot ni Mico. Alam niya na sa nakalipas na buwan ay madalas itong dumadaan sa site ng kasalukyang project ng kompanya. Pero kahit hindi man ito nanglalagi sa building nang matagal, nagagawa pa rin siya nitong sunduin pagkatapos ng duty.

A Lover's Rose (Published Under IMMAC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon