Chapter 9

1.5K 39 20
                                    

 "I better be good at handling my thoughts. Overthinking would never do me any good. It would never allow me to have my inner piece."

- M A P A L A P I T -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- M A P A L A P I T -


HINDI ALAM NI ROSE kung bakit alas syete pa lang ng umaga ay nasa loob na ng building si Mico at ngayon ay nasa harapan niya habang seryosong nakatitig sa kanya.

Ang alam niya, alas dyes pa ng umaga ang duty ng mga architects at engineers ng kompanya. Pagkatapos nang ginanap na quarterly meeting agad nang nahanda ang lahat para sa simula ng panibagong project. Nalaman niya galing kay Arci na kailangan ng mga itong dumaan muna sa site ng project ng kompanya kung kasalukuyan na itong underconstruction, bago magtungo sa office na sa main building mismo.

Pero ngayon ay maaga si Mico. Nangangahulugang hindi pa ito dumaan sa site at agad na nagtungo rito. "May narinig na naman akong nawalan ng wallet," anito sa kanya.

Nangunot ang noo ni Rose pagkatapos ay pinagmasdan ito, halatang walang kaalam-alam sa kung ano'ng gustong sabihin ng binata.

"O? may nawalan na naman?" tanong niya. She doesn't know how she managed to say those words straight while staring at his eyes. At himala na nagagawa niyang maging casual dito kumpara sa ibang empleyado na tinatawag itong engineer. At kung makitungo sa binata ay napakapormal. Probably, because of the incident the other night.

"Right. Katulad nang sa 'yo, biglaan na lang din nawala ang wallet at cellphone niya kahit nasa loob naman ng bag. At nakatago pa sa locker niyo rito sa groundfloor," seryoso siya. Na tila ba ay buhay at kamatayan ang pinag-uusapan nilang dalawa.

Paminsan-minsan ay si Rose na ang nagbababa ng tingin dahil hindi niya matagalan na tumitig sa mga mata nito. Iba ang mga mata ni Mico sa ibang taong nakilala niya. Pakiramdam niya ay parang hinihigop siya ng mga mata nito, parang nilulunod siya sa kung ano man. Natatakot siya na hindi niya mapigilan ang sarili. Iba sa pakiramdam kung titigan niya ito sa mga mata. Alam niya kasi na nakapukol sa kanya ang buo nitong atensyon habang nagsasalita ito o habang nakikinig sa sinasabi niya.

Pero aaminin niya, sa binata niya lang naramdaman na handa siyang pakinggan ng kung sino man kahit na hindi siya nito lubusang kilala. Pakiramdam niya ay napakabuluhan ng bawat sinasabi niya sa tuwing makikita itong nakikinig nang walang pag-aalinlangan, walang pagdadalawang isip.

Ilang beses na ba silang nagkausap? Hindi niya na maalala kung ilan pero sigurado siya na nagiging madalas na ito sa paglipas ng araw.

Kung may sasabihin siya ay makikinig ito habang hindi nagbababa ng tingin. Nakakailang. Pero pakiramdam niya importante siya dahil sa paraan ng pagtitig nito at sa paglalaan ng buong atensyon nito sa kanya.

At siguro unti-unti na silang nagiging malapit sa isa't-isa nang hindi nila napapansin.

"They ended up walking all their way home. Katulad nang ginawa mo, Rose dahil wala na rin silang perang pamasahe ng araw na iyon. At baka ayaw din nilang manghiram sa mga katrabaho nila."

A Lover's Rose (Published Under IMMAC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon