Chapter 31

1.6K 35 9
                                    

 "I have an authentic skill that no one has ever considered an excellent one. For years, I have mastered the art of martyrdom and stupidity. It's the only skill I am good at. Yeah, that's kinda bullshit."

- INIWAN -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- INIWAN -

NAKATULALA SI ROSE habang nakaupo sa sofa ng inuupahang apartment nila ng pamilya niya. Hawak-hawak niya ang isang bote ng alak na nangalahati na ang laman. Mugto ang mga mata at magulo ang buhok. Nang tinitigan niya ang sarili kanina sa salamin ay halos hindi niya na makilala kung sino ang kaharap niya.

She ended up staring at her own self for minutes.

Walang tigil ang mga luha niya sa pagtulo. Umiyak siya nang umiyak.

She keeps on asking herself why did she end up like this. Ano'ng nangyari at ganito ang kinahantungan niya? How could she let shits happen to her? How did she manage to not mind every little details that has destroyed her life? If only she made better choices. If only she acted wise and tough. If only she wasn't too weak.

Bumalik sa isipan niya ang mga nangyari kagabi. Ang lahat ng mga sinabi ng mga kaibigan niya; ang lumukob na sakit at bigat sa kanyang dibdib.

At si Mico. Ang inasta ni Mico kagabi.

Naisubsob niya ang mukha sa sariling mga palad. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, lalo ngayong alam niyang parang may nagbago Mico. Hindi niya alam kung ano'ng problema at biglaang naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Wala siyang kahit ano'ng ideya kung bakit ganoon ang naging asta nito.

"Mahal din kita, Rose," naalala niyang sinabi ni Mico sa kanya.

"Pero mali ang lahat ng 'to. Maling-mali ang mga bagay, Rose."

Hindi niya maintindihan ang mga sinabi nito. Hindi niya maintindihan lahat!

She called him after he left. Hindi sila nagsabay na umuwi. Nauna ito sa kanya. At hindi niya alam kung bakit biglaan itong naging ganoon. Hindi niya alam!

Nagtext siya kay Mico. Tumawag. Nagsend ng voice message. Nagtatanong kung ano'ng problema. Pero wala itong naging sagot.

Naghintay siya buong araw ng reply mula kay Mico pero wala siyang narinig mula rito. Wala. Hanggang sa gumabi, nagmadaling araw.

Napagtanto na ba nito na si Leira ang totoong mahal nito? Was he just too confused with his feelings? Did he realize she was a damn chaos in his serene life? Napagod na ba ito sa kanya? Pansamantala lang ba ang nararamdaman nito para sa kanya? At ngayon ay tuluyan na iyong naglaho nang walang matinong dahilan?

Tanging ang umiyak na lang ang nagawa ni Rose. Dahil walang sagot sa mga tanong niyang iyon.

Pumasok siya sa kompanya kinaumagahan, umaasa na makikita niya si Mico ngunit hindi ito nagpakita. Naroon naman ang mga kasamahan nitong engineers na ngayon ay dumaan muna sa main office bago magpunta sa site. Nakita niya pa nga ang kaibigan nitong si Vin, ang architect na siyang tanging alam niya na kaibigan ni Mico. Suot pa nito ang sariling hard hat at kasalukyang may dalang papel na may nakakamanghang desinyo ng isang building na sa tingin niya ay panibagong iko-construct sa pagdating ng mga araw.

A Lover's Rose (Published Under IMMAC) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon