❬ 002 ❭
Breathing Fresh AirKHAL. . . WHAT?
My eyes slightly squinted, remembering where did I hear his name. Ah! Eliff! Siya iyong tinutukoy ni Eliff na Khalil?
"Kamusta ka na?" kaswal niyang tanong habang kinakamot ang batok.
"A-Ayos lang," nag-aalangan kong sagot, hindi mapigilang mapatitig lalo sa kaniya para surihin.
He's cute, I must admit. I wonder how old he was? Sa itsura niya ay parang kasing edad ko lang siya, pero feeling ko ay mas matanda siya sa akin. Plus, he's too tall and lean to be at my age.
"Sorry, hindi mo na pala ako nakikilala, biniro pa naman kita," sabi niya. Muli siyang nangamot ng batok at napakagat ng labi sa hiya.
Hmm, was that way he's staring at me?
He cleared his throat. "'Yun 'yon, 'di ba?" dagdag niyang tanong.
I creased my forehead. "Anong iyon?"
"'Yong tinutugtog mo. 'Yong paborito mo, River Flows in You."
Napatango ako. Medyo natawa ako nang ma-realize kung bakit sinabi niya iyon kanina.
"Paano mo nalaman?" Napatingala ako dahil sa tangkad niya, tapos ay napababa ulit ang tingin dahil sa sinag ng araw na nasa likod niya. Para siyang nagliliwanag sa sikat ng araw, hindi kaya siya naiinitan?
The side of his lips curled. "Paborito mo kaya 'yon. Lagi mo 'yong pinapatugtog no'ng bata pa tayo. 'Tsaka lagi mong pinapakinggan 'yong Lola mo kapag pinapatugtog iyon."
He sounded so jovial with his mellow and boyish voice. And it hurts me how I can't really recognize him anymore.
"Sorry. . . hindi na talaga kita maalala," I apologized, biting my lips.
The cheerfulness of his face vanished little by little. Although, he retained the gloomy smile drawn on his lips. "A-Ayos lang," bulong niya.
I cleared my throat as the silence stretched between us. Sandali kong ginala ang mata ko. It felt so awkward that I just want to escape here out of embarrassment.
"Ah, gusto mo ng upuan?" wala sa sariling sambit ko nang mapansing kanina pa siya nakatayo habang ako nakaupo lang. Tumayo ako kaagad para ikuha siya ng mauupuan sa loob. "Saglit kukuha lang-"
"Huy, 'di, 'di, 'wag na! Okay lang ako-"
Nakatalikod na ako kaya sinilip ko na lang siya sa may balikat ko. "Ayos lang, pakibantay na lang iyong harp."
Hindi ko na siya pinatapos pa at kaagad na akong pumasok ng bahay para kumuha ng isa pang monoblock na upuan. I stopped midway, holding my chest to breathe for a while.
I'm not really good at making friends. I always feel awkward and fall speechless when I'm meeting new people. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Atsaka, nahihiya ako sa kaniya.Naalala niya ako, pero ako hindi man lang.
Sinubukan kong alalahanin siya pero wala talaga. He's kinda familiar, but I can't remember spending some of my childhood moments with him.
I really feel sorry for that.
Sinilip ko siya mula sa pinto. He's facing my back, standing while holding my harp. Maganda ang katawan niya, he's not masculine or anything. Tama lang para bumagay sa isang average na lalaki ang katawan niya.
'Wag na kaya akong lumabas? Baka magsaka na siya ulit kapag hindi na ako bumalik. Gano'n na lang siguro? Pero, 'di ba mas nakakahiya iyon? Anong sasabihin ko sa kaniya kapag nagkita ulit kami? Na nakatulog- ugh.
BINABASA MO ANG
Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)
RomanceMoving into a new town, Solar Delacci thought that it would be the worst thing to happen in her life. Why would she want to live somewhere far from the city she was raised? But she'll endure it anyway, everything for her sick father. There she met...