❬ 029 ❭

1.1K 55 68
                                    

029

Swaying with the Wind

KINABUKASAN, BAGO ANG unang hearing para kay Tito Rafael, pumunta ako kina Khalil. It's Sunday and Mama was also there. Sumunod ako nang matapos sa lahat ng mga requirements na kailangang gawin.

They were busy talking about the case while I was silently listening to them. Walang lumantad o nahuling mga suspects, wala ring CCTV na makatutulong dahil pinatay talaga nila ang kuryente para magawa nila ang pagnanakaw.

"Kung mahuhuli lang natin ang kahit isa sa mga suspect o kahit sinong witness," dismayadong sabi ni Mama. "Kaso, wala pa talaga silang nahuhuli."

Tahimik lang akong tumatango habang pinapakinggan sila, nang biglang may nagbukas ng pinto. Sabay-sabay kaming napalingon.

Nanglaki ang mata ko at napatayo si Khalil nang makita ang nakatayo sa may pinto. Wearing a black cap, a white shirt and tattered jeans, the familiar tattooed guy stood with his stern face.

"K-Kuya Abel..." Khalil said in his astounded voice.

"Magsasalita na ako," anito sa kaniyang malalim at nakatatakot na boses. "Alam ko ang nangyari."

"Abel... anak ko," Tita Nette came out from her bedroom, quickly sauntering to Kuya Abel and hugging him tightly. Nanatiling walang ekspresyon ang kuya ni Khalil habang yakap ito ng ina.

Seryoso ba siya? At may alam siya tungkol sa nangyari... ibig sabihin ba noon ay siya ang pinupuntahan ni Khalil para hingan ng tulong? Possible rin bang may kinalaman siya sa kaso?

But the question was, what made him come here?

"Salamat, Kuya. Salamat!" mabilis na dinaluhan ni Khalil ang kararating na kapatid. Mapipinta sa boses niya ang tuwa.

"He's the rebel brother?" sa mahinang boses ay tanong ni Mama sa akin.

Tumango naman ako. "Yes."

Matapos ang yakapan ay walang pag-aalinlangang lumapit si Kuya Abel sa amin at umupo sa tabi ko. Tapos ay sa tabi ko rin umupo si Khalil, at si Tita Nette ay sa tabi ni Mama.

I cleared my throat. Isiniksik ko ang katawan sa tabi ni Khalil dahil sa intimidating na aura na kapatid niya. Tulad noong una ko siyang nakita, nanatili ang mga madidilim niyang tingin sa kahit saan dumapo ang mga malalim niyang mata.

"Kuya, si Solar, girlfriend ko," pakilala sa akin ni Khalil.

Isang mabilis na lingon lang ang ginawa ko sa kaniya at tinanguan. Gladly, he looked uninterested with the introduction.

"Si Attorney Delacci, mama ni Solar at attorney ni Tatay."

Like what I did, Mama spatted him and gave a quick nod. "I would be glad to hear your words about this case, Abel," she said, professionalism lacing in her voice.

"Si Alberto at Piolo ang pasimuno ng pagnanakaw na 'yon," Kuya Abel nonchanlantly spoke, his eyes lazily bore to my mother. Sumandal siya sa sofa.

"Sabi na nga ba't gago ang mga kaibigan niya," sabi ni Khalil, tama lang para marinig ko.

Bahagya ko siyang nilapitan at binulungan. "Iyon ba ang mga kasama niya noon?"

He glanced at me and nodded his head.

"Hindi nagsalita si..." He licked his lips, reluctant to continue his sentiments. "si Tatay dahil binantaan siyang titigukin ako kapag nagsumbong."

With those words, I immediately understood why Tito Rafael wasn't able to say the whole story. Kung bakit parang may tinatago siya.

"Ninakaw nila 'yong kwintas para pambayad nilang dalawa sa mga utang nila sa sindikato," dugtong ni Kuya Abel. "At kasambwat nila iyong security guard, siya ang nagpatay ng ilaw at nagpapasok sa kanila."

Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon