❬ 013 ❭
Hulog
HIS CHATS BOMBARDED my messenger. Paulit-ulit siyang nag-sorry sa akin sa mga message. Mula kahapon ay hindi ako lumalabas sa amin kaya hindi ko rin siya nakikita.
Khalil:
Sorry na pooooo:( Hindi ko naman sinasadyang masabi iyon, wala lang talaga ako sa mood
Khalil:
Uy, labas ka na. Sorry na.
Khalil:
Sol, sorry na. Wala na akong kakulitan. Miss na kita.
Khalil:
Solar, sorry na oh. Hindi ko na uulitin. Sorry na.
Ang dami pang iba. Lahat ng chat niya hindi mawawala ang salitang sorry. Siniseen ko lang siya at hindi ni-rereply-an.
Patatawarin ko rin naman siya. Hindi ko lang talaga kayang gawin kaagad iyon kahapon dahil fresh pa sa utak ko iyong inis at tampo ko sa ginawa niya. Ayaw kong sabihing, ‘sige, okay lang, okay na’ kahit pa hindi naman.
Of course, I still need some more time to process everything. At dahil sa eksplanasyon niya, naiintindihan ko na naman kung bakit niya nagawa iyon. Siguro nga, wala lang talaga sa timing ang pagdating ko at wala pa siya sa mood sa mga oras na iyon.
I’m not very forgiving but I do forgive. Pero depende pa rin kung gaano ba ako nasaktan. Mistakes are forgivable. But there are sins that are unforgivable.
Alas kuwatro ng hapon ng lumabas na ako ng bahay. I was expecting to spot him somewhere in the fields. Pero pagkalabas ko ng gate ay palabas din siya ng bahay nila.
Nagtama ang mga mata namin kaya kitang kita ko ang pamimilog ng sa kaniya. He’s still in his farming clothes, may suot pang salakot.
Kaagad niya akong nilapitan, patakbo pa, tapos ng malapit na siya sa harapan ko ay bumagal ang lakad na parang nahihiya. Nangamot pa siya ng batok at lumunok ng makarating sa harap ko.
It was unfortunately sunny. Wala akong choice kung hindi manatili sa pwesto ko para makasilong sa puno ng mangga, dapat sana ay iinisin ko pa siyang iiwasan.
“S-Sol…” he stuttered, his eyes looking at me apologetically.
“Mhm?” I toughened my expression.
“Sorry na.”
Awtomatikong naningkit ang mata ko at napa-iwas ng tingin ng tumama ang sikat ng araw sa mata ko dahil sa paggalaw ng mga dahon.
“U-Uy, galit ka pa rin? Sorry na. Hindi ko na talaga uulitin,” aniya. Mas lalong nalukot ang mukha niya na para bang hindi alam kung paano mag-eexplain.
“Promise?”
Tumango siya at itinaas pa ang kanang kamay. “Promise. Sorry na, ha?”
Dapat ay magtampo muna ako kunyari. Kaso ay tinitingnan ko pa lang ang nagmamakaawa niyang mukha at pinapakinggan ang sinsero niyang boses, naaawa na ako.
Nang tumagal ang titig ko sa kaniya ay napaiwas siya at napanguso, para bang nagpipigil ng ngiti.
“Oo na. Sige na,” I finally said.
Pagkasabi ko noon ay napahinga siya ng malakas na para bang kanina niya pa pinipigilan.
Dahil sa ginawa niya ay hindi ko na napigilang mapatawa. Why was he holding his breathe anyway? Kabadong kabado?
Napangisi siya at napa-iling-iling ng marinig ang tawa ko, dahilan para lumitaw ang dimples niya sa kabilang pisnge.
Mahina kong pinitik ang pisnge niya kung nasaan ang dimple. Sisimangutan ko pa sana kaso ay nang bumaling siya ng nakangiti na ay hindi ko na rin napigilan ang pagngiti.
BINABASA MO ANG
Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)
RomanceMoving into a new town, Solar Delacci thought that it would be the worst thing to happen in her life. Why would she want to live somewhere far from the city she was raised? But she'll endure it anyway, everything for her sick father. There she met...
