❬ 028 ❭

1K 37 9
                                    

028

Sacrifice

SABI NI MAMA, malaking tulong kung mahahanap ang isa pang security guard na kasama ni Tito Rafael at pinaniniwalaang may kinalaman sa kaso. His appearance would greatly help to prove Tito’s innocence. O kung hindi man, kahit isa sa mga magnanakaw ang mahuli.

However, Tito can’t even give any details about how the suspects look like. Ang sabi ni Khalil, naka-flashlight si Tito Rafael nang pumasok kaya nagtataka ako kung wala man lang ba siyang nakitang mukha kahit isa sa mga magnanakaw? All the CCTVs were down at the time also due to the blackout.

Ang huling kuha sa kanila ay noong nakasakay pa sa isang van na walang plate number. They were searching for it, though.

“Sol,” tawag ni Khalil, kausap ko sa kabilang linya. Nasa university pa ako at kumakain sa may canteen habang break pa.

Siya naman ay nasa trabaho. No matter how much he wanted to handle his father’s case, he can’t just ditch his work. Wala na silang pagkukuhanan ng pera. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin nila naipapyansa si Tito Rafael.

“Mhm?”

“Nakausap ko na iyong mga kapatid ni Tatay… Sinubukan kung humingi ng tulong o kaya mangutang pang piyansa kay Tatay,” sa isang mababa at nag-aalinlangang boses ay aniya. He paused after that.

Nagulat ako sa sinabi niya at napatigil sa kinakain. Parang noong isang araw lang ay ako pa ang pilit ng pilit sa kaniya na kausapin ang mga iyon pero ayaw niya talaga. He’s too determined that he won’t get any help from them.

“Oh, anong sabi?”

I heard him heaved a sigh, and in a gloomy voice he responded, “Wala. Ayaw talaga.”

Natigil ako at napatuptop ng labi. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya. How can they just let their youngest brother get imprisoned? Gaano ba kalaki ang disgusto nila sa pamilya ni Khalil at tulong lang ay hindi nila magawa? Kung hindi man nila maipyansa, kahit tulong man lang sana para sa kaso ni Tito.

“Sorry…” I whispered through the phone.

He cleared his throat. “Nagbaka sakali lang talaga ako, kahit pa… alam kong wala naman talagang pag-asa.” He paused again, I can imagine him showing a sad smile. “Hayaan mo na. May ibang paraan pa naman siguro.”

Hindi ako makasagot sa kaniya. Ayaw kong mawalan ng pag-asa pero hindi ko alam kung mayroon pa nga ba. Masyadong malaki ang pyansang kailangan ni Tito Rafael dahil isang antique at mamahaling alahas ang ninakaw. Ang sabi ay sa kanunonunuan pa ni Don Alejandro ang alahas na iyon at gawa sa purong ginto. I’m sure it cost more than millions.

I’ve seen how exhausted Khalil have been for the past days, dealing with the case of his father. Hindi ko alam kung ilang tao na ang nalapitan niya para lang makalikom ng pera.

At sa bawat pagkakataong nakikita ko siyang pagod at umiiyak, hindi ko maiwansang makunsensya. I can’t even give him a cent. Kung mayaman lang ako, ako na ang sasagot sa kaso. Ang kaso ay hindi, siguro kung hindi ko pa nakumbinsi si Mama ay mas lalo akong ma-gu-guilty na wala man lang kahit kaunting maitulong sa kaniya. But, of course, even with those circumstances, Mama can’t do everything for free.

Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon