❬ 010 ❭
Unsure 
                              APAT NA ARAW na lang ang natitira bago ang birthday ni Papa kaya hindi na ako matigil sa pag-aaral ng piece na itutugtog ko sa birthday niya. Medyo nakukuha ko na rin naman at naririnig ko na ang tunog, ang sabi ni Khalil ay kaunting pag-popolish na lang daw ang kailangan. 
                              "Dapat relax ka lang sa paghawak ng bow," sabi niya at hinawakan ang kamay ko para ayusin ang pagkakahawak doon. "Palambutin mo lang ang kamay mo para hindi ka mahirapan."
                              Tumango ako at ginawa ang sinabi niya. I just noticed that I was really too stiff when holding the bow.
                              Ang usual spot namin, siyempre sa may garden nila. Alas sinco ng hapon kung kaya't hindi na gaanong maiinit. Nakasuot pa siya ng asul na long sleeves at botas dahil katatapos niya lang magsaka nang turuan ako. While I was only wearing my usual shorts and oversized shirt. 
                              I could feel the violin weighining on my shoulder. Sa harap ko ay ang music note ng piece. Sinikap kong pag-aralan kahit iyong piece lang na iyon, and luckily, I was able to read some and understand it.
                              "Sige nga, simula sa umpisa," aniya. 
                              I sighed and nodded. Tinitigan ko siya sandali at ang nakangiti niyang mukha bago inumpisahan ang paggalaw sa bow. 
                              Focus ang mga mata ko sa music notes habang tumutugtog, sinisikap na makuha ng tama ang lahat ng iyon. Sa sobrang focus ko, hindi ko na maintindihan ang musikang ginagawa ko. 
                              "Solar!" tawag ni Khalil na nagpagulat sa akin. 
                              Kaagad akong napahinto at napabaling sa kaniya. "Ha?"
"Sobrang seryoso mo naman," he said. 
                              "B-Bakit?"
                              "Masyado kang nag-fofocus sa music notes, namamali mo na ang pagtugtog sa iba. You're playing too stiff and straight," seryosong sabi niya. 
                              Naguguluhan ako sa sinabi niya kaya napataas ako ng kilay. Hindi ba't dapat ganoon naman talaga? Hindi ba't dapat ay focus naman talaga ako sa music notes?
                              He sighed. Lumapit siya sa akin at marahang pinitik ang pisngi ko. "Hindi mo na pinapakiramdaman ang kanta. Naririnig mo pa ba ang tinutugtog mo o tuloy-tuloy ka lang dahil ang importante ay tumatama ka sa pagtugtog?"
                              Hindi ako nakasagot sa tanong niya. 
                              "Kung ganiyan lagi, Sol, malamang ay nanginginig ka na sa nerbyos kapag nasa harap ka na ng maraming tao," he said again. "You should feel the music."
                              Tumango lang ako. Natatakot kasi ako na magkamali. I don't have room for failures. Lalo na sa araw na iyon, it should be perfect. 
                              Tinaas ko ang bow tutugtog na sana ulit ng hawakan ni Khalil ang kamay ko at pigilan ako. 
                              "Saglit, makinig ka muna."
                              I stopped and stared at him. 
                              "Magaling ka na. Nakukuha mo na, pero siyempre may mga lapses pa rin dahil baguhan ka pa lang. Kaya, please, 'wag mong i-pressure masyado ang sarili mo sa pagtugtog, ha?" malamyos niyang sambit at bahagya akong pinandilatan.
                              I sighed and smiled. "Okay, Sir."
                              He smirked and let go of my hand. 
                              "'Wag na 'wag mong kalimutang pakiramdaman ang tinutugtog mo, kakainin ka ng nerbyos kung ang nasa isip mo lang ay maitawid ng tama ang kanta."
                              Tumango ulit ako. I smiled. Eventually, I absorbed the words he said because I know he was right. Baka nga ganoon ang mangyari kung masyado akong pokus sa paggawa ng tama, baka kainin ako ng kaba. 
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)
RomanceMoving into a new town, Solar Delacci thought that it would be the worst thing to happen in her life. Why would she want to live somewhere far from the city she was raised? But she'll endure it anyway, everything for her sick father. There she met...
