❬ 012 ❭

1.1K 74 101
                                        

012
None of Your Business

I REALLY CAN'T get it why of all things, I would be so dumb when it comes to memorization. Naiirita na ako. Halos lahat na lang ng gusto kong gawin at pag-aralan ay hindi ko magawa ng maayos dahil sa hina ko sa bagay na ‘to.


And I hate it how I can’t do anything but resort to the easier way when I can’t do it anymore.

Cheating.

Kasalukuyan ko ng pinag-aaralan ng mas maayos ang pag-viviolin ng maisipin kong dumako sa mga music notes. I tried to take some quiz after thoroughly studying the symbols.

Pero sa huli, wala man sa kalahati ng minemorize ko ang naalala ko. Left without no choice, I just skipped to the answers and forget about it.

Nasa may kama pa ako, alas sais ng umaga. Nakayakap pa sa akin si Eliff. The wind coming from the sliding window cause the curtains to fly, making me even lazier to get up.

Kasalukuyan akong nanonood ng mga videos ng biglang mag-pop ang message ni Lara.

Lara:

Morning! Sama ka ba sa Sunday? Nagkayayaan sila ulit na kumain daw sa labas.

Wow. Minsan nakakapagtaka kung bakit puro labas ang mga Senior High classmates ko. Siguro ako lang talaga itong distant sa kanila kaya hindi ko masyadong napansin na sobrang close pala ng lahat sa isa’t isa?

Kung sasama ako, ibig sabihin nandoon si Zenda? Of course! Hindi naman pwedeng mawala siya. Doon pa lang, ayaw ko ng sumama.

Not because I’m afraid of her judgement— but I gotta admit that, yes, partly— but because I want to avoid her. Kung hindi niya ako titigilan, ako na lang ang iiwas para hindi na mahirapan pa. Atsaka, bakit ko pa ba isisiksik ang sarili ko roon kung si Lara lang yata ang halos na kausap ko?

Nag-reply ako na hindi ako sasama at tumayo na rin. I’m sure gising na rin si Mama para makapag-ayos sa handaan mamaya. She’s still on leave because of Papa’s condition.

It’s Friday today, May 6. Kalalabas pa lang ni Papa kahapon kaya nagdesisyon sina Mama na mamaya na maghanda ng salo-salo para sa mga tiga rito at sa iilang bisitang inimbita nila. Hindi na nga lang kasi laki katulad noong pinalano dahil nagastos na rin.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Ano bang pwedeng gawin ngayong araw na ito? Bukod sa pagtulong sa paghahanda mamaya, na mukhang hindi na rin kailangan sa dami ng katulong ni Mama. Should I just go to the field today? Manonood ng mga magsasaka?

Kung magpaturo kaya akong magpasaka kay Khalil para kapag nabobored ay may magawa ako rito?

Nakakainip pala! Ngayon ko lang na-realize na wala akong ibang ka-close o kausap dito kung hindi si Khalil lang. Halos mga matatanda na rin kasi ang mga magsasaka sa mga tabi naming bahay kaya wala na akong ibang makausap bukod kina Mama, Khalil at sa pamilya niya.

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa may palayan. Hinanap ko si Khalil sa may palayan nila pero hindi ko man nakita. The farmers were already planting new seeds. Katatapos lang nilang umani.

Saan kaya napunta iyon?

Si Khalil na naman ang guguluhin mo Solar.

I want to laugh with my inner thoughts. Wala naman na akong ibang magugulo rito kung hindi siya lang. But, actually, though, gusto ko lang namang bumawi sa kaniya.

I want to see him to chitchat and express my gratitude for helping me— which I’ve been doing for almost three days, I guess? Ilang araw kayang uubra ang dahilan kong gratitude para kausapin siya?

Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon